^

PSN Showbiz

Sam Concepcion walang effort makipag-ayos kay Anne?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nakalulungkot namang isipin kung totoong ayaw pa rin ni Anne Curtis sa boyfriend ng kapatid niyang si Jasmine Curtis Smith na si Sam Concepcion. Unfair din kung totoong sinabi ni Anne na wala siyang nakikitang effort mula kay Sam para sila maging close.

Baka naman nahihiya lang ito sa kanya at ayaw nang maulit ang hindi nila magandang engkwentro sa birthday ni Vice Ganda? Kita naman na mahal na mahal ni Sam si Jasmine. Ang tanong, may effort naman kaya sa panig ni Anne?

Mga dating loveteam na nagbabalikan, dumarami

Mukhang nauuso ang pagbabalik-tambalan ng mga artista ngayon. Pinakabonggang balikan na yata ‘yung kina Marvin Agustin at Jolina Magda­ngal na sinundan nina Manilyn Reynes at Janno Gibbs. Ngayon, sina Manilyn naman at Keempee de Leon ang magkakasamang muli sa isang tele­serye ng GMA. Sino naman kaya ang susunod na magbabalikan?

Derek nag-iingat na sa mga babae

Kung sinu-sino na ang inili-link kay Derek Ramsay, pero hanggang ngayon ay single pa rin ito. Pa­ano kasi, hindi successful ang mga naunang relas­yon nito kaya siguro nagiging mapili na ang aktor. Tapos nangyari pa ‘yung engkwentro nila ng unang babaeng pinakasalan niya at ina ng kanyang nag-iisang anak na si Austin. Paano ba siya hindi mato-trauma?

I’m sure dahil nag-iingat na si Derek, ang next relationship niya ay magiging almost perfect na.

vuukle comment

ANNE CURTIS

DEREK

DEREK RAMSAY

JANNO GIBBS

JASMINE CURTIS SMITH

JOLINA MAGDA

MANILYN REYNES

MARVIN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with