'Praybeyt Benjamin' ni Vice Ganda nangunguna sa MMFF
MANILA, Philippines – Si Vice Ganda at ang kanyang pelikulang "The Amazing Praybeyt Benjamin" ang nangunguna sa takilya para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014.
Ito ang sequel ng kanyang pelikulang" The Unkabogable Praybeyt Benjamin," kung saan kasama niya sina James "Bimby" Aquino-Yap at Richard Yap.
Base pa sa tantsa ng Metro Manila Development Authority, gitgitan sa pangalawang pwesto ang "My Big Bossings" nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon at ang "Feng Shui 2" nina Kris Aquino at Coco Martin.
Ayon sa ulat ng dzMM, mahigit P147 milyon na ang kinita ng buong MMFF sa unang araw nito kahapon.
Gaganapin ang awards night ng MMFF bukas sa Philippine International Convention Center.
- Latest