Kris at James magsasama sa Pasko para kay Bimby
December 24, 2014 | 11:46am
MANILA, Philippines — Nangibabaw ang pagiging ama ni James Yap matapos niyang iusog ang schedule pauwi sa probinsiya upang makasam ang kanyang anak na si Bimby.
Sa Instagram post ni Kris Aquino ay ipinakita niya ang kanilang pag-uusap ni James upang panoorin ang 2014 Metro Manila Film Festival entry ng kanilang anak.
Magkasamang manonood sina James, Kris at Bimby ng "The Amazing Praybeyt Benjamin” bukas sa pagbubukas ng MMFF.
Mayroon din MMFF entry si Kris na “Feng Shui” kung saan kasama niya si Coco Martin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended