^

PSN Showbiz

In love na nga!? KC at Paulo dalang-dala sa nararamdaman!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinanindigan nina KC Concepcion at Paulo Avelino na magkaibigan lang sila at hindi pa doon lumalampas.

Kahapon sa presscon ng Christmas TV special na Give Love on Christmas kung saan bibida ang dalawa sa ikatlo at huling kuwento na  pinamagatang Exchange Gift, kitang-kita ang feelings nila.  Pero wala pa raw talaga. Hindi pa nagli-level up sa pagiging magkaibigan nila.

Paniwala ni KC, timing lang ang lahat  kung mangyayari na magiging sila.

“Right now, we’re happy na may ginawa kami together, na masaya kami and happiness kasi exciting ‘yung mga scenes, tapos parang comedy, light,” sabi ni KC referring sa kanilang role sa Exchange Gift na mapapanood na sa Enero 5 (Lunes). Bibigyang-buhay nina KC at Paulo ang mga karakter nina Anna at Christian, ang mag-asawang paghihiwalayin ng hindi pagkakaunawaan at iba’t ibang pagsubok. Ngunit sa kabila ng kanilang mga problema, mapipilitan ang dalawa na magpanggap na maging masaya para sa kapakanan ng kanilang kaisa-isang anak. Paano ipauunawa nina Anna at Christian sa kanilang anak na wala na ang dati nilang masayang pamilya? Posible pa bang magkapatawaran at magsimulang muli ang mag-asawang nagsumpaang magiging karamay ng isa’t isa habambuhay?

Anyway, sabi pa ni KC hindi pa naman nila alam kung magtutuluy-tuloy ang friendship nila.

Pero aminado naman silang pareho nilang crush ang isa’t isa.

Say pa ni KC, minsan lang siyang magka-crush. ” Ang baduy ko talaga,” pakli ni KC. “Crush ko siya before. So, siyempre, for a girl, maganda rin na parang naka-work mo ‘yung crush mo. Totoo naman po talaga na ‘yung mga mata niya, ganyan,” sabi niya kaya naman daw sa mga eksena raw nila, mararamdaman ang sobrang kilig nila.

Parang totoong-totoo ang mga kilig scenes nila. Parang nadadala raw sila sa adlib kaya naman ang feeling ng aktres, parang reality show lang ang mapapanood nila sa Exchange Gift.

Si Paulo naman ay parang nalilimutan daw niya ang mga dialogue niya pag kaharap si KC.

Mapapanood ang Exchange Gift sa Give Love on Christmas  sa Enero 5, bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN. 

Mga namimirata nagpapaka-choosy na rin

Marami nang excited manood ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014. Kaya naman marami na rin ang nag-aabang na mga namimirata kung alin ang pipilahan para mabilis ding makopya lalo na nga’t walang chairman ang Optical Media Board (OMB) matapos suspendihin si Ronnie Ricketts. Sabi ng isang source, choosy na rin naman ngayon ang mga nama-mirate dahil namimili na rin sila ng magagandang pelikula.

Malaki ang lamang ng mga pelikulang pambata kaya alam na kung sino ang magna-number 1.

Anyway, sa gaganaping Parada ng mga Artista ina­asahang mas marami ang sasali ngayon. Lahat talaga ng pelikulang kasali kinarir pati ang sasakyan nilang float at kanya-kanyang pabonggahan.

Pero kasabay siyempre ng parada ang matinding traffic sa lugar ng Maynila kaya ihanda na ang sarili kung nagbabalak kayong manood ng parada.

                                                             

vuukle comment

ENERO

EXCHANGE GIFT

GIVE LOVE

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAMAN

NILA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with