^

PSN Showbiz

ABS-CBN, inilunsad ang thank you sa malasakit Pope Francis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pasasalamat sa pagmamalasakit ni Pope Francis at ng mga Pilipino sa isa’t isa ang mensahe ng bagong kampanya ng ABS-CBN na Thank You sa Malasakit: Pope Francis sa Pilipinas na inilunsad noong Martes (Dec 16) upang markahan ang 30 na araw bago ang pagdating ng Santo Papa sa bansa.

Sa Piyesta Para sa Santo Papa na inihanda ng Bayan Mo, iPatrol Mo sa La Consolacion College, hinikayat ng ABS-CBN ang bawat Pilipino na ibahagi ang kanilang mga mensahe ng pasasalamat kay Pope Francis sa pamamagitan ng nasa­bing kampanya. 

Bukod sa pagdiriwang sa kanyang pagdating sa Enero, hinihimok din ng kampanya ang publiko na tularan  ang mga itinuturo ng Santo Papa at magmalasakit sa iba.

Sa pamamagitan din ng paggamit ng opisyal na hashtag na #PopeTYSM (Pope Thank You Sa Malasakit) sa social media, maaaring ipadala ang kahit anong personal na mensahe, dasal, o tula para sa Santo Papa.

Maaaring mapasama ang ilang posts na ito sa Book of Thanks na ipaparating ng ABS-CBN kay Pope Francis.

Ang lahat naman ng posts sa Twitter at Facebook na may hashtag na #PopeTYSM ay makikita sa www.abs-cbnnews.com/popefrancisphwall.

Iikot din ang PopeTYSM booth sa mga piling lugar sa Pilipinas kung saan maaaring mag-record ng espesyal na thank you message para kay Pope Francis.

vuukle comment

BAYAN MO

BOOK OF THANKS

LA CONSOLACION COLLEGE

PILIPINAS

PILIPINO

POPE FRANCIS

POPE THANK YOU SA MALASAKIT

SA PIYESTA PARA

SANTO PAPA

THANK YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with