^

PSN Showbiz

Magnum ni ER hinuhulaang mangungulelat!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw ng Martes, December 23 na matutunghayan ang parada ng mga artista along Roxas Blvd. in Manila bilang hudyat ng pagsisimula ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) na nasa ika-40th year na.

Walong official entries ng MMFF ang may kani-kanyang karosa kung saan nakasakay ang mga main cast ng bawat pelikula. Nariyan ang trilogy na My Big Bossing ng OctoArts Films, M-Zet Films, at APT Entertainment na pinangungunahan nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Alonzo Muhlach, Marian Rivera, Nikki Gil, Pauleen Luna kasama sina Niño Muhlach, Zoren Legaspi, Manilyn Reynes, Jose Manalo, Wally Bayola, Ruby Rodriguez, Sef Cada­yona, at iba pa mula sa magkakahiwalay na direksiyon nina Tony Y. Reyes, Marlon Rivera, at Bb. Joyce Bernal.

Isa ring trilogy movie ang Shake, Rattle & Roll XV ng Regal Films na magkakahiwalay na pinamahalaan nina Jerrold Tarog, Dondon Santos, at Perci Intalan. Tampok na mga bituin dito sina Dennis Trillo, Carla Abellana, Lovi Poe, Erich Gonzales, Matteo Guidicelli, JC de Vera, John `Sweet’ Lapus at iba pa.

Nariyan din ang The Amazing Praybeyt Benjamin 2 na joint production ng Star Cinema at Viva Films at pinamahalaan ni Wenn Deramas. Ito’y tinatampukan nina Vice Ganda, Richard Yap, Alex Gonzaga, Bimby Aquino Yap, Tom Rodriguez, at iba pa.

Entry naman ng Quantum Films ang English Only, Please na idinirek ni Dan Villegas at tinatampukan nina Jennylyn Mercado, Derek Ramsay, Tom Rodriguez, at Kean Cipriano.

Sina Robin Padilla, Vina Morales Jasmine Curtis Smith, at Daniel Padilla naman ang mga pangunahing bituin ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo na idinirek ni Enzo Villegas for Pilipinas Productions.

Muslim Magnum .357 naman ang entry ng Sce­nema Concept International at Viva Films na pinagbibidahan nina E.R. Ejercito at Sam Pinto.

Feng Shui 2 ang entry nina Kris Aquino at Coco Martin na idinirek ni Chito Roño at co-production ng Star Cinema at Kris Aquino Productions.

Kubot: The Aswang Chronicles ang entry ng Reality Entertainment, Agostodos Productions, at GMA Films na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Isabelle Daza.

Come December 25, araw ng Pasko ay huhusgahan na ang walong pelikulang kalahok sa ika-40th year ng MMFF.          

Taun-taon for the last 39 years ay dinarayo ang taunang parada ng mga artista. Walong naggagandahang float din ang maglalaban-laban at isa rito ang mananalong Best Float na isasabay sa Gabi ng Parangal on December 27 na gaganapin sa Plenary hall ng PICC.

May dalawang araw pa bago ang MMFF.

Sa walong kalahok, may kani-kanyang bet na kung aling pelikula ang papasok sa Top 5. Tiyak na magsasalpukan sa No. 1 & No. 2 slot ang My Big Bossing at The Amazing Praybeyt Benjamin. Maglalaban naman sa No. 3 & 4 ang Feng Shui at Shake, Rattle & Roll XV. Paglalabanan naman ang No. 5 & 6 spot ng Kubot: The Aswang Chronicles at English Only, Please at puwede ring makipagsabayan ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Malamang na nasa No. 8 slot ang Muslim Magnum .357 ni E. R. Ejercito.

Anuman ang maging ranking ng walong kalahok, target ng MMDA chairman at over-all Chairman ng MMFF na si Atty. Francis Tolentino na malagpasan ang kinita ng 2013 MMFF na umabot ng mahigit isang bilyong piso.

Ryzza Mae kayang diktahan si Alonzo

Alam mo ba, Salve A. na kayang kontrolin ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang special co-host sa kanyang The Ryzza Mae Show, ang four-year-old na si Alonzo Muhlach?

Kilala sa pagiging makulit si Alonzo pero sumusunod ito kay Aleng Maliit kapag sina­sabihan niya itong “zip your mouth” at tala­gang tahimik at hindi nagsasalita ang bunso ni Niño Muhlach.

Si Ryzza Mae rin ang nagturo kay Alonzo ng `stop dance.’

Nakakatuwang tingnan sina ­Ryzza Mae at Alonzo sa The Ryzza Mae Show at kitang-kita kay Ryzza Mae ang pagiging protective at supportive sa kanyang mas batang co-host.

Ang closeness nina Ryzza Mae at Alonzo ay nagsimula sa set ng Prin­sesa episode ng My Big Bossing. Kapag walang take ay magkalaro ang dalawa at magkasamang nagkukulitan.

Excited na rin si Alonzo sa kanyang pasisimula sa long-running kiddie gag show na Goin’ Bulilit sa buwan ng Enero maging ang TV remake ng pelikulang pinagbidahan noon ni Maricel Soriano sa bakuran ng Regal Films, ang Inday Bote na gagawing TV series at pagbibidahan ni Alex Gonzaga.

Welcome home

Personal: Welcome home sa aking anak na si Aila Marie Reyes who arrives today from Tokyo, Japan para rito mag-celebrate ng Christmas at New Year. Welcome din kay Shogo Taniguchi ng Osaka, Japan.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALONZO

MAE

MY BIG BOSSING

NINA

RYZZA

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with