^

PSN Showbiz

Actress-singer talbog na tseke ang ipinamasko sa mga kaibigan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kakambal ng Kapaskuhan ang pag-alala ng isang tropa ng mga reporters sa isang anekdotang hinding-hindi nila makakalimutan. Ang bumibida sa kuwento ay isang actress-singer, tumunog din naman ang kanyang pangalan, pero hindi masasa­bing sumikat siya nang husto.

Babaeng-bakla ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niyang manunulat, mabait siya, hindi nakalilimot. Palakaibigan ang actress-singer, maganda ang kanyang PR, puwedeng kumuha ng seminar sa kanya ang mga personalidad na absent nang ituro ng kanilang guro ang PR 101.

Heto na. Malapit na ang Pasko nu’n, sinorpresa siya ng mga kaibigan niyang reporters, nagulat ang actress-singer siyempre sa pagdating ng kanyang mga kaibigang press people.

Kuwentuhan, kuwentuhan, apiran sila nang apiran, hanggang sa nagpaalam na ang grupong namamasko sa babaeng personalidad. Teka muna, huwag muna kayong umalis, sabi ng actress-singer sa kanyang mga kaibigang reporters.

Kuwento ng aming source, “Nag-issue siya ng tseke, two thousand each, puwede na raw naming i-withdraw ang regalo niya sa bank.

“Kami naman, nag-usap-usap kami na magta-taxi kami hanggang sa bank, malayo kasi ang Cavite, pero ambag-ambagan kami sa patak ng taxi.

“Game! Heto na. Nu’ng dumating kami sa bank, natural, ie-encash na namin ang mga checks na regalo ni ____(pangalan ng actress-singer). Pina­upo muna kami sa receiving area. Kinabahan na kami.

“Nu’ng makita naming umiiling-iling na ang teller, confirmed! May problema nga sa mga tsekeng inisyu, mukhang abonado pa kami sa pang-taxi! Tinawag kami ng teller, closed account na pala ‘yun, pero bakit nag-issue pa siya, inis na inis kami!

“Nu’ng tawagan namin siya para sabihang closed na ang account niya, e, bigla niyang sinabi, ‘Nagkamali ako ng ginamit na check book, punta na lang uli kayo dito bukas, papalitan ko na lang ‘yan ng cash!’

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun, sarado na pala ang account niya, nag-issue pa? Ngayon, e, hindi na puwedeng mangyari sa kanya ang ganu’n, madatung na kasi siya, napakasuwerte niya bilang nanay dahil sumikat ang anak niya!” tawa nang tawang pag-alala ng aming source.

Ubos!

Kaya laging may sakit, Kris nasobrahan na sa pagmamahal sa trabaho

Iisa lang ang ating katawan. Walang pamalit, walang mabibili sa kahit saan, kaya dapat lang nating alagaan. Matalino si Kris Aquino para hindi niya malaman ang katotohanan ng buhay.

May panahon ng paggawa at may panahon din ng paniningil. Ganu’n ang nangyayari ngayon kay Kris dahil nagiging masasakitin siya. Laging umaatake ang kanyang allergy, stress ang dahilan nu’n, masyado naman kasing masipag ang aktres-TV host na ito.

Sunud-sunod ang kanyang trabaho kundi man sabay-sabay, sa punto ng propesyonalismo ay walang problema kay Kris, ang tanong nga lang ay kaya pa ba ‘yun ng iisa lang naman niyang katawan?

Kahit uminom pa siya ng pina­ka­mabisang bitamina ay susuko pa rin ang kanyang katawan kapag na­gamit na niya nang todo ang na­kaim­bak niyang energy.

Hihina ang kanyang naturalesa, mabilis siyang tatablan ng sakit, natapos niya nga ang kanyang mga trabaho pero ang katawan niya naman ang nagsasakripisyo.

Sabi ng isang nakausap namin,  “Ano pa ba naman ang kailangan ni Kris? Nakahiga na siya sa salapi, pero parang wala pa rin siyang contentment? Magkano ba talaga ang halagang makapagpapaligaya sa kanya?”

Maraming hindi nakaiintindi sa passion. Natutuhan nang mahalin ni Kris ang kanyang trabaho, ‘yun na ang kanyang mundo, kaya kahit pagod na pagod siya ay patuloy pa rin niyang tinutupad ang kanyang mga kompromiso.

Kung minsan nga ay hindi na ang kikitain, mas nakalalamang na ang pagmamahal sa kanyang ginagawa, du’n maligaya si Kris Aquino kaya kailangan na lang niyang magtiis sa buwelta sa kanya ng panahon dahil sa sobra-sobrang pagpapagod.

vuukle comment

HETO

KAMI

KANYANG

KRIS

KRIS AQUINO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with