^

PSN Showbiz

Darna binuhay sa bridal shower ni Marian

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang nanay ni Dingdong Dantes ang sponsor ng 8th bridal shower para kay Marian Rivera. Kakaiba ang theme ng bridal shower dahil binuhay ni Mrs. Angeline Dantes si Darna, ang Pinay superhero na ginampanan noon ni Marian sa primetime teleserye ng GMA-7.

Sa susunod na linggo na ang pinakaaabangan na pag-iisang-dibdib nina Marian at Dingdong. Hindi pa tayo sure kung masusundan pa ang bridal shower para kay Marian.

As of yesterday, walo na ang bridal shower na naibigay kay Ma­rian ng mga tao na nagmamahal sa kanya at dinaluhan ng mga kamag-anak at kaibigan niya.

Kung hindi pa kami nagkausap ni Dingdong sa Startalk noong Sabado, hindi ko malalaman na mga abay din sa kasal nila ni Ma­rian ang mga anak nina Benjie Paras at Lyxen Diomampo.

Naging close pala sina Dingdong at Benjie nang magkasama sila sa isang project. Ang sabi ni Dingdong, gustung-gusto niya ang ugali ni Benjie.

Plano rin sana ni Dingdong na imbitahan bilang abay si Kobe, ang anak ni Benjie na gumagawa ng ingay sa US dahil sa talent niya sa basketball. Hindi na itinuloy ni Dingdong ang kanyang balak dahil hindi madali para kay Kobe ang umuwi ng Pilipinas bilang hectic din ang schedule niya sa Amerika.

Maraming salamat sa mga Pamasko…

Maraming salamat kina Atty. Annette Gozon-Abrogar at Kate Valenzuela sa mga Christmas gift na ipinadala nila sa akin.

Hindi ko na sasabihin ang mga regalo na natanggap ko mula kina Mama Annette at Kate. Tama na ‘yung pinaligaya nila ako sa kanilang mga ipinadala.

Maraming salamat din kay Popoy Caritativo na never na nakalimot tuwing Pasko at sa Christmas wreath na ipinadala sa akin ng Dreamscape Entertainment Television.

Mga kapatid na Muslim matindi ang suporta, Robin binubuntutan sa mga promo guesting at tinitilian

Grabe ang suporta kay Robin Padilla ng kanyang mga kapatid sa Islam.

Sa lahat ng mga promo guesting ni Robin para sa Bonifacio, Ang Unang Pangulo, sinasamahan siya ng ating mga kapatid na Muslim, bitbit ang mga banner na may nakalagay na “We Love U Robin!!!”

Masipag din sa pagtili ang mga supporter ni Ro­bin dahil parang wala nang bukas kung makasigaw sila ng We Love U Robin!

Robin sinabihang ‘tanga’ si Vina on national TV

Natawa ako sa message ni Robin kay Vina Morales sa guesting nila kahapon sa The Buzz.

Buong ningning na sinabi ni Robin sa national television na “Vina, sana kapag nagmahal ka uli, huwag ka nang maging tanga!”

Hindi naman napikon si Vina na natawa sa dialogue ni Robin at mabilis na rumesbak na naging tanga siya nang ma-in love sa asawa ni Mariel Rodriguez.

Hindi na nagbanggit ng pangalan si Robin pero knows na natin kung sino ang tinutukoy niya na mhin na nagpakatanga ang kanyang ex-girlfriend.

VM Isko Moreno ‘binitay’!

Starring nga pala sa Bonifacio, Ang Unang Pa­ngulo si Manila City Vice-Mayor Isko Moreno.

Si Isko ang gumanap na Padre Burgos, ang pari na binitay, kasama sina Padre Zamora at Padre Gomez, noong sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas.

May importanteng role din sa Bonifacio si Jericho Rosales na binigyang-buhay ang role ni Gat Jose Rizal.

Si Rizal ang Pambansang Bayani ng Pilipinas pero natatandaan ko ang sinabi ni Congressman Alfred Vargas na gumanap din na Bonifacio sa pelikula. Para kay Alfred, si Bonifacio ang karapat-dapat na maging National Hero ng Pilipinas at malamang na agree si Robin sa kanyang paniniwala.

vuukle comment

BENJIE

BONIFACIO

KAY

MARAMING

PILIPINAS

ROBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with