^

PSN Showbiz

Pauleen nagpakilalang lola kay Vic

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong Linggo sa Vampire ang Daddy Ko, may matandang babae na pagala-gala sa lugar nila Victor (Vic Sotto). Mababanggit ni Stef (Sef Cadayona) na wish niyang sana tumanda na siya para hindi na niya kailangang pagdaanan pa ang mga heartache. Maririnig ito ng matanda, hahawakan si Stef, at unti-unti nang tatanda si Stef, habang bumata naman ang matanda. Walang nakapansin na nagpalit siya ng anyo.

Maririnig ng matanda, na ngayo’y bata na, na hirap sa pagtuturo si Small (Jimmy Santos) sa kanyang anak dahil tulala lang si Big (Ryzza Mae Dizon). Magpapakilala ito bilang si Lola (Pauleen Luna) at magpi-presintang mag-tutor kay Big. Mabibighani si Victor kaya papayag siyang turuan nito si Big, at siya pa ang magbabayad. Gustong malaman ni Lola kung ano ang hiling ng tulalang si Big. Popormahan din ni Victor si Lola.

Samantala, paghihinalaan ni Vlad (Oyo Sotto) na ang nagdulot ng pagtanda ni Stef ay ang mga bad vampires, at pag-iinitan niya si Lucresia, kahit na pinipilit nitong nagpakabait na siya.

Magagawa bang makuha ni Lola ang wish ni Big? Ano nga ba ang wish ni Big? Malalaman ba nila ang katotohanan na hindi sina Lucresia ang nagpatanda kay Stef?

Huwag palagpasin ang Vampire ang Daddy Ko ngayong Linggo (December 21) pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA7.

 

 

vuukle comment

DADDY KO

JIMMY SANTOS

LOLA

LUCRESIA

MARIRINIG

NGAYONG LINGGO

ORAS WEEKEND

OYO SOTTO

PAULEEN LUNA

STEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with