^

PSN Showbiz

Sam Pinto hindi sumikat-sikat

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Salve A., nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakuku­ha ni Sam Pinto ang stardom na dapat ay ma­tagal nang nasa kanya.

Sampung taong gulang pa lamang si Sam ay in-demand commercial model na siya na hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang ginagawa.

Leading lady siya ngayon ni E.R. Ejercito sa Metro Manila Film Festival o MMFF action movie na Magnum Muslim .357

Star potential si Sam pero tila mailap pa rin ang stardom sa kanya.

Bakit kaya? Sana nga ay mapansin siya sa pelikulang ito na parang kapus naman sa promo.

Kuya Germs hindi nawawalan ng pag-asa sa Thats

Kahit eighteen years nang nagpaalam sa ere ang youth-oriented program na That’s Entertainment na konsepto and hosted by veteran TV host-comedian na si German `Kuya Germs’ Moreno sa GMA 7, pa­tuloy pa ring sini-ce­lebrate ni Kuya Germs sa kan­yang long-running late night show na Walang Tulugan with the Master Showman on GMA ang anniversary ng programa na sobrang napamahal sa kanya.

Ang That’s Entertainment ang kauna-unahang youth-oriented show  na napapanood noon tuwing ha­pon mula Lunes hanggang Sabado ay siyang nag­bukas ng pintuan sa napakaraming aspiring raw and young talents na hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag sa kanilang respective careers.

Ang That’s Entertainment ay nag­hasa sa mara­ming mga kabataan noon sa acting, dancing, singing, at pati-paghu-host. Nagkataon na hindi pa uso noon ang mga talent rea­lity show kaya namamayagpag noon ang programa ni Kuya Germs.

Alam mo ba, Salve A. na up to this day ay umaasa pa rin ang Master Showman na si Kuya Germs na maibabalik pa rin sa ere ang That’s Entertainment?

vuukle comment

ALAM

ANG THAT

KUYA GERMS

MAGNUM MUSLIM

MASTER SHOWMAN

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SALVE A

SAM PINTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with