^

PSN Showbiz

Bianca nagpahalik na

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung akong may edad na ay kinilig pa nang mapanood ko ang ilang eksena sa Once Upon a Kiss na pinakaunang serye na pagtatambalan ng batang Kapuso loveteam na sina  Miguel Tanfelix at Bianca Umali, paano pa kaya ‘yung napakarami nilang tagasubaybay na ngayon pa lang ay excited na mapa­ood ang dalawa sa pina­kabago nilang teleserye. Kung nun ay may pangamba pa sila na baka hin­­di matupad ang inaasam nilang pangako ng tittulo ng serye para sa mag­kapareha,  ngayon ay pwede na silang makampante. May kissing scene ang dalawa. Yes, Miguel gets to kiss Bianca sa palabas. It was a most wholesome  kiss, isang napaka-simple at mabilis na pagdidikit ng mga labi na magsisilbing  isang atraksyon sa bagong palabas.

Si Bb. Joyce Bernal na kanilang direktor ay buong tapang na nagsalita na lalabanan nila nang husto ng sabayan ang makakatapat nilang programa na magsisimula sa Enero 5, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA Telebabad.

Text scandal hindi nangyari

Kung natuloy ang negosasyon ni Robin Padilla sa mga taga-ABS-CBN para makuha ang serbisyo ni Kathryn Bernardo  para makatambal ni Daniel Padilla sa Bonifacio:  Ang Unang Pangulo, baka hindi pa nagkaro’n ng text scandal na  muntik nang ikinasira ng pinakasikat na batang tambalan ngayon. Sa halip ay si Jasmine Curtis Smith ang nakuha para makapalit ng Teen Queen sa pang-Metro Manila Film Festival o MMFF 2014 entry ni Robin Padilla.

Hindi man pinahintulutan ng kanyang napakahigpit na schedule si Kathryn na gawin ang Bonifacio, marami namang malalaking artista ang kasama sa pelikula tulad ni Jericho Rosales na gumaganap ng role ni Jose Rizal.

Pamilya ni Mark magsasama-sama para matanggal ang lungkot

Hindi lamang naman si Andi Eigenmann ang makaka-miss sa amang si Mark Gil ngayong Pasko, mami-miss din ito ng iba pa niyang mga kapatid, ng mga magulang at kapatid nito at iba pa nilang mga kamag-anak, and also their friends.

Sinabi ni Gabby Eigenmann sa presscon ng Once Upon a Kiss na para mapaglabanan ang lungkot nila sa pagkawala ni Mark, magkakaro’n sila ng reunion na magpapamilya. Since dara­ting si Cherie Gil at ang mga anak nito, una silang magkikita-kita sa bahay ni Ryan Eigenmann at pagkatapos ay sa bahay naman ni Cherie.

Si Gabby ang pinaka-panganay sa mga anak ng namatay na aktor kaya ito ang tumatayong father figure sa kanilang nagkakapatid. “Ipinangako ko ito kay Dad. At sa ayaw nila’t sa gusto, dahil ako ang panganay, wala silang choice kundi ang sumunod,” anang unang gumanap ng Dading bago ang role ng isang pari sa Once Upon a Kiss.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANG UNANG PANGULO

BIANCA UMALI

BONIFACIO

CHERIE GIL

DANIEL PADILLA

ONCE UPON

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with