^

PSN Showbiz

Immune system bumagsak na Kris nadadalas ang pagkakasakit

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa pagkakasakit, hindi na nakapunta sa Cebu City si Kris Aquino kahapon. Ninang siya sa kasal ng kasosyo niya sa Chowking sa Ali Mall at segue sana siya sa mall tour para i-promote ang Feng Shui, pero hindi na nagawa dahil naospital sa St. Luke’s Global.

Inatake ng migraine si Kris dahilan para magsuka at tumaas ang blood pressure. Pinayuhan si Kris ng bed rest this weekend at dahil ayaw magpa-confine, sa bahay na lang siya nagpapaga­ling.

Nauna rito, inatake rin siya ng ma­tinding allergy dahil sa maling pag-i­nom ng gamot.

May kinalaman siguro ang pag­pupuyat at sobrang pagod ni Kris sa shooting ng Feng Shui kaya humina ang immune system.

Hopefully, gumaling na siya bago ang December 23 Parade of Stars ng MMFF , ang awards night sa Dec. 27 at ang kasal nina Dingdong Dantes at Ma­rian Ri­vera sa Dec. 30. Nakatakda ring lumipad sa Japan sina Kris at Josh at Bimby para sa Hokkaido mag-celebrate ng New Year.

Daniel at Jasmine pinaghiwalay habang nanonood ng kanilang pelikula

Nagsusuportahan sina Nora Aunor at Robin Padilla dahil present ang Superstar sa premiere night ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo last Friday sa SM Megamall. Nauna rito, dumating din si Robin sa premiere night naman ng pelikulang Hustisya ni Nora.

Star-studded ang premiere night ng Bonifacio, pero kapuna-puna na hindi pinagtabi sa upuan sina Daniel Padilla at Jasmine Curtis-Smith. Sinadya kaya ‘yun o nagkataon lang. At least, walang violent reaction ang fans nina Daniel at Kathryn Bernardo na nasa premiere night.

Tama ba kaming first time naka-grade A ang pelikula ni Robin? Graded A ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa pelikula. Malaking tulong ito sa mga producer dahil may tax rebate at sa publi­city.

May pakiusap pala si Robin sa moviegoers, panoorin daw lahat na entries sa MMFF, pero unahing pa­noorin ang Bonifacio at tiniyak nitong magugustuhan ang pelikula at marami pang malalaman sa history ng Katipunan at kay Andres Bonifacio.

Andi ibinuko ng kapatid na hindi kayang walang karelasyon

Hindi inisip ni Gabby Eigenmann na follow-up sa Dading ang pagkasama niya sa cast ng Once Upon a Kiss. Breather sa kanya ang light drama series at kailangan din niyang maging visible para hindi siya makalimutan ng tao.

Role ni Father Madz ang ginagampanan ni Gabby sa Once Upon a Kiss, isang hip and cool priest na tagapayo ng karakter ni Miguel Tanfelix. Umiinom din siya rito at may mga ginagawang parang feeling namin, ipagre-react ng Catholic church. Hintayin natin ang airing nito simula January 5, 2015.

Malaki ang tiwala ni Gabby na magiging successful ang Once Upon a Kiss gaya sa Niño na pinagsamahan din nina Miguel at Bianca Umali.

Anyway, hindi naniniwala si Gabby na break na ang kapatid niyang si Andi Eigenmann at Jake Ejercito. Feeling niya, magkakabalikan din ang dalawa kahit in-unfollow nila ang isa’t isa sa social media.

Sabi ni Gabby, kagaya ng dad nila si Andi na takot mag-isa at kailangan la­ging may karelasyon. “I hope hindi gawing excuse ni Andi to hold on to Jake or to Brent Javier ang fear niyang mag-isa,” ang brotherly wish ni Gabby sa kapatid.

vuukle comment

ALI MALL

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANDRES BONIFACIO

BONIFACIO

FENG SHUI

ONCE UPON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with