^

PSN Showbiz

Fans kino-kontrol ang buhay ng mga artista

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Obvious na sa ginagawang pagbabantay ng fans kay Daniel Padilla laban kay Jasmine Curtis Smith ay wala silang katiwa-tiwala sa batang aktor. Gwardyado-sarado sila dahil baka anytime na mali­ngat sila ay makawala ito kay Kathryn Bernardo at makuha ng iba. Tsk. Tsk. Tsk.

Muli, itatanong ko, ano ba ang pakialam ng fans sa buhay ng kanilang mga idolo? Hindi komo mga tagahanga sila ay may pakialam na sila sa artista. Kung ayaw nila ang ginagawa ng mga ito, eh ‘di hu­ma­nap sila ng ibang maiidolo. Pero, por Dyos por santo, tagahanga lang kayo. Gawin n’yo ang dapat n’yong gawin pero, huwag na huwag kayong makikialam. Kayo namang mga artista, huwag kayo pa­didikta sa mga tagahanga ninyo . Be grateful na may sumusuporta sa inyo, pero dapat alam  nila ang limitasyon nila!

Bianca ayaw paniwalaan

Wala raw crush si Bianca Umali sa ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix. Wala raw siyang nararam­damang kakaiba sa kanyang kapareha bukod sa isang pagkakaibigan. Ni wala nga raw siyang crush, kaya paano siya magkakagusto sa mga lalaki?

Sinabi mo ‘yan, Bianca hah! Papaniwalaan ka namin. Mabuti nga kung mananatili kayong magka­ibigan lang muna. Sobra pa kayong mga bata para sa mas malalim na relasyon. Enjoy your team up, for the meantime.

Kris dapat matuto sa kanyang BFF

Nagkasakit na naman pala  si Kris Aquino? Aba, eh, hinay-hinay naman siya, Hindi worth it na magkasakit ang isang tao dahil sa pagnanais na lumaki pa ang ipon niya. Baka maubos lang sa gamot at pagpapadoktor ang pera niya. Alam at na-realize na ito ni Boy Abunda. Dapat matuto siya ng leksyon sa kanyang bff.

vuukle comment

ALAM

BIANCA

BIANCA UMALI

BOY ABUNDA

KATHRYN BERNARDO

KRIS AQUINO

MIGUEL TANFELIX

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with