^

PSN Showbiz

Daniel puwedeng wala ang role sa Bonifacio!; Aiko gamit na gamit sa panunutok ng baril ng ex hubby

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Si John Rendez ang escort ni Nora Aunor sa premiere night ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo noong Biyernes. Si John din ang escort ni Nora Aunor nang dumalo ito sa Brisbane International Film Festival noong December 11.

SCENE: Hair shampoo model lang ang peg ni BB Gandanghari sa premiere night ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo. Mahigpit na nagyakap sina BB at Robin Padilla nang magkita sila.

SEEN: Gamit na gamit ang pangalan ni Aiko Melendez sa kaso ng panunutok ng baril ng kanyang ex-husband, ang former model at chef na si Martin Jickain. Matagal nang walang pakialam si Aiko kay Martin.

SCENE: Nagmistulang kuya ni Alden Richards si John Lloyd Cruz sa litrato nila na magkasama. Si Alden ang “itinuturing” na John Lloyd Cruz ng GMA 7.

SEEN: Puwedeng wala ang mga role nina Daniel Padilla, RJ Padilla, Eddie Garcia, at Jasmine Curtis Smith sa kuwento ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo.

SCENE: Comatose pa rin ang ex-PBA player na si Samboy Lim pero inilabas na siya sa ICU ng The Medical City.

SEEN: Ang Once Upon a Kiss ang ipapalit ng GMA 7 sa timeslot ng Strawberry Lane na magwawakas sa January 2, 2015.

SCENE: Fashion victim si Vina Morales sa damit niya sa premiere night ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo dahil naging prominent ang kanyang mga naglalakihan na braso.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ALDEN RICHARDS

ANG ONCE UPON

ANG UNANG PANGULO

BONIFACIO

BRISBANE INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

DANIEL PADILLA

JOHN LLOYD CRUZ

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with