^

PSN Showbiz

Noon inaalipusta paghuhubad ng aktres ibinaon na sa limot ng pamilya nang napangasawa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Masuwerte ang isang dating nagpapaseksing aktres dahil ipinaglaban siya ng negosyanteng napangasawa niya sa pamilya nito. ‘Yun ang matatawag na tunay na pag-ibig.

Dahil sa imahe ng babaeng personalidad na nagpapakita ng katawan sa kanyang mga pelikula nu’n ay hindi naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ng lalaking pinakasalan niya.

Hindi naman siya binabastos ng mga ito, pero ramdam niya ang lamig ng pakikitungo ng pamilya ng negosyante sa kanya, alam niya ang pagiging sexy star niya ang unang-unang dahilan kung bakit.

Pero nanindigan ang lalaki, wala itong pakialam kung tanggalan man ito ng mana o isumpa ng kanyang pamilya, ipinaglaban at minahal pa rin nito ang aktres.

Maraming pagkakataon na ang pinalampas ng aktres, kapag dumarating siya ay biglang hihinto sa pag-uusap ang kanyang mga in-laws, parang gusto na niyang lumubog sa kanyang kinatata­yuan kapag nangyayari ang ganu’n.

Isang araw ay hindi na nakapagtimpi ang kanyang mister, kinompronta nito ang kanyang pamilya, ipinagtanggol siya ng lalaking pinili niyang makasama habambuhay.

Ngayon ay maayos na ang pagtrato sa kanya ng pamilya ng lalaki, napatunayan niya kasi na hindi ang kayamanan nito ang kanyang habol, matalino at edukada rin ang aktres na puwedeng iharap ng kanyang mga in-laws kahit kanino at kahit pa sa kanilang mga amiga sa alta sosyedad.

Sabi ng isang kaibigan naming kabungguang-siko ngayon ng dating nagpapaseksing aktres, “Hindi lang kasi niya ginawa, pero puwedeng-puwede sana nu’ng kinakawawa siya ng mga in-laws niya.

“Sana, ginamit niya ang bertud niya. Simpleng-simple lang, sumigaw sana siya ng ‘Darna!!!!!’ Ubos  silang lahat!”  tawa pa nang tawang pagbibigay ng clue ng aming source.

Precy parang doctor sa mga anak

Sa kabila ng mga pagsubok na pinag­dara­anan ngayon ng kanilang pamilya ay naga­gam­panan pa rin ni Precy Ejercito nang ma­ayos ang kanyang mga obligasyon bilang ina sa mga anak nila ni Senador Jinggoy Estrada.

Totoong hindi biro ang pagtupad sa responsibilidad ng ama at ina, pero wala siyang pamimilian, nakapiit ngayon sa PNP Custodial Center ang kanyang mister.

Pagkagaling sa eskuwela ay tumutuloy na ang kanilang mga anak sa Camp Crame. Du’n nakukumpleto ang kanilang pamilya. Kina Janella, Jolo, Julian, at Jill humuhugot ng lakas ng loob ang aktor-pulitiko, lalo na sa kanyang bunsong palaging nakaukilkil sa kanya, ang mga problema ay gumagaan dahil sa ipinararamdam na pagmamahal ng kanyang pamilya.

Sa totoo lang, si Precy ay para nang doktor sa rami ng kanyang kaalaman tungkol sa mundo ng medisina, alam niya ang gagawin sa lahat ng sakit na umaatake sa kanyang mga anak.

“Hindi naman ako nagse-self medicate, pero kapag naoospital kasi ang mga anak ko, tinatandaan ko ang mga gamot na ibinibigay sa kanila. Ma-google din ako, nag-aaral ako palagi, kaya kung mga simpleng sakit lang naman, ako na ang gumagamot sa kanila,” kuwento ni Precy.

Pero may mga pagkakataong hindi niya kinakaya ang lungkot, hindi niya ‘yun ipinakikita sa mga bata, pero panay-panay ang kanyang iyak. Mahirap magpatakbo ng buhay nang mag-isa lang.

“Lalo na kapag tapos ko nang i-check ang mga anak ko at safe na silang natutulog, naaalala ko si Jinggoy, du’n ko nararamdaman ang pagiging mag-isa ko lang sa tabi ng mga anak ko.

“Lalo na kapag sinasabihan ako ni Jill ng ‘Mommy, don’t cry. Daddy is safe and this, too, shall pass.’ Wala na, bumibigay na ako, mahirap!” pagtatapat ng mabait at magandang misis ni Senador Jinggoy Estrada.

vuukle comment

ANAK

CAMP CRAME

KANYANG

NIYA

PAMILYA

PRECY

SENADOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with