^

PSN Showbiz

Kahit sila pa noon Andi nahuli sina Jake at ang bagong GF

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Napaiyak at sobrang nasaktan daw si Andi Eigenmann nang unang makita ang mga larawan ni Jake Ejercito na kasama ang sinasabing bagong karelasyon daw nitong si KC Del Rosario. “The first time I saw it, sobrang nag-break down talaga ako. Nasaktan talaga ako. It didn’t end a day. It’s been going on everyday. Of course I see their pictures every day. It hurt so much that wala na po ako nararamdaman,” pagtatapat ni Andi.

Nilinaw ng aktres na hindi raw pinagsabay ni Jake ang relasyon kay KC at sa aktres. “It wasn’t that it overlapped. While we were still together, nakita ko na kasi ‘yung exchange of messages nila. So parang alam ko na, meron na akong kutob. Pero hindi ko in-expect na ‘pag naghiwalay kami, talaga palang magiging sila. Hindi ko in-expect,” pahayag ni Andi.

Noong nagkahiwalay sina Andi at Jake ay sinubukan daw muling balikan ng binata ang aktres. Ang bagong karelasyon kaya ni Jake ang dahilan kung bakit hindi na tinanggap ng aktres ang binata? “No, it wasn’t one of the reasons why we will never get back together because hiwalay na kami. Well, this second time around for him. He has his own life and if that’s what he wants. Pero definitely, we won’t ever get back together because of that,” giit ni Andi.

Maraming mga bagay daw ang dahilan kaya hindi na nakipagbalikan ang aktres sa binata.

Pauleen hindi excited sa Pasko

Aminado si Pauleen Luna na tala­gang mahilig siya sa mga bata, pero hindi pa raw nakahanda ang aktres na magkaroon ng sariling anak sa kasintahang si Vic Sotto. “Not now because I’m not yet ready. Do’n naman tayo sa tamang proseso,” makahulugang pahayag ni Pauleen.

Ano’ng edad kaya gustong magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya ng aktres? “I don’t know. I think there’s no particular age that you will be ever ready. When it comes then you will be ready,” paliwanag ng dalaga.

Magkasama sina Pauleen at Vic sa pelikulang My Big Bos­sing na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kamakailan ay nagkasakit si Vic dahil sa sobrang pagod sa trabaho kaya mayroong payo si Pauleen para sa aktor. “Actually I think all he needs is bed rest. ‘Yun naman lang talaga para bumalik ‘yung boses, wala eh. It’s inevitable eh, ang daming trabaho, ang daming promotions,” nakangiting pahayag ni Pauleen.

Simpleng pagdiriwang lamang daw ang nakatakdang gawin ng magkasintahan ngayong Pasko. “Nothing extra­vagant, normal food at saka ‘pag may oras lang magluluto. Hindi naman gano’n kaimportante ‘yun (ang regalo) because every day we give each other gifts. So it doesn’t necessarily have to be very meaningful basta magkasama kami okay lang,” pagtatapos ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACTUALLY I

AKTRES

ANDI

ANDI EIGENMANN

DEL ROSARIO

JAKE EJERCITO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with