^

PSN Showbiz

Aktor na anak ng aktres, laging nakabuntot sa kasamahang aktres na may anak na; Malaki pala ang kinikita nila sa pag-e-entertain sa mga preso, sexy starlets naw

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maaga pa lang ay nagpa-Christmas party na si Regine Velasquez sa mga malalapit na kaibigan at malamang bongga ang mga pa-raffle niya. Siyempre ganundin ang Christmas treat niya sa mga kasamahan niya sa Sarap Diva.

Ngayong umaga sa Sarap Diva ay Christmas na Christmas na rin ang ambiance at bongga ang feature nila sa all-white na motif ng bahay ng mag-asawang Raul at Cacai Mitra.

Hindi lang isa kundi limang malalaking Christmas tree ang naroon na inayos mismo ni Cacai, ‘yan ang isa sa pag-uusapan ng magkapatid na Regine at Cacai sa Sarap Diva.

PAK: Marami na ang nakakapansin na unti-unti nang nai-in love ang aktor na anak ng isang sikat na aktres sa isang magaling na young mom actress.

Hindi na niya ito maitago sa production staff ng drama series na pinagsamahan nila. Lagi na siyang nakasunod kay aktres at natatameme ito kapag kaeksena na niya.

Tuloy, sila na ang napagtitripang tuksuhin dahil sa panunuyo ng aktor.

Parang hindi na biru-biro ito kay aktor dahil hindi siya nahihiyang ipakita sa lahat ang pagnanais niyang maging girlfriend ang aktres.

BOOM: Dahil sa mainit na pinag-uusapan ang nadiskubre sa loob ng Bilibid, maingat ngayon ang mga sexy starlet  sa pagraket sa loob ng kulungan.

Dati kasi, namamayagpag sila sa mga raket sa loob ng preso na binabayaran ng bonggang-bongga ng mga mayayamang nakakulong doon. Pero dahil sa nagkabukingan na at patuloy pang iniimbestigahan, natigil na ang mga raket doon ng mga sexy starlet na nagpapasaya sa mga preso.

May narinig kaming may mangilan-ngilan pa rin ang nagpapa-show, pero maingat na raw sila. Kaya nabawasan tuloy ng pinagkakakitaan ang mga sexy starlet na hindi naman nakakaraket sa mga TV shows at pelikula.

vuukle comment

BILIBID

CACAI

CACAI MITRA

DAHIL

DATI

KAYA

REGINE VELASQUEZ

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with