^

PSN Showbiz

Lovi Poe nagsalita sa ‘inggit’ sa mga kaibigang ikakasal

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa halip na mainggit sa mga kasabayan niyang artista at mga kaibigan na  nagpapakasal na, mas happy si Lovi Poe  na makitang ikinakasal sila sa mga lalaking minamahal nila.

“Ako, feeling ko malayo pa akong mag-asawa. May magandang career pa ako na inaasikaso. At ‘yung friends ko naman ay andun na sa age na pwede na silang mag-asawa, pero ako naman ay wala pa. Marami pa akong gustong ma-achieve. Kaya enjoyin muna namin ni Rocco (Nacino, her boyfriend) ang trabaho namin,” paliwanag niya sa mga minamadali siyang mag-asawa  na.

Hindi pa man ipinalalabas ang MMFF entry niya sa Regal Films na Shake Rattle & Roll XV ay excited na siyang masimulan ang bago niyang pro­ject na kahit bawal pang sabihin ang title ay sinabi niyang isang huge project at pahihirapan daw siya sa Tagalog. “Hindi lang ang character ko ang inte­resting kundi ang buong project,” sabi  ng aktres na mahihirapang maghanap ng bagong makakainan sa Pasko kasama ang buong pamilya niya. “We eat out on Christmas at halos nakainan na namin lahat ng restaurant sa The Fort kaya maghahanap kami ng bago,” natatawang sabi ni Lovi na ganito ang thrill ‘pag Pasko.

Alonzo naglalagare sa GMA kahit may commitment na sa Kapamilya

Mabuti at pinayagan ng ABS-CBN na lumabas sa kalabang istasyon si Alonzo Muhlach, anak ni Niño Muhlach na isa na ring Kapamilya child star. 

Nakakailang-linggo na ring napapanood si Alonzo sa The Ryzza Mae Show at tanggap na tanggap ng manonood ang paglabas niya sa show.

Mabuti naman at sa kasagsagan din ng promosyon niya  ng My Big Bossing  na nagpapakilala sa tandem nila ni Ryzza Mae Dizon ay never niyang nababanggit na mayro’n na siyang teleserye sa Kapamilya Network. Nabanggit man ito minsan sa presscon ng My Big Bossing, pero hindi sinabi ang titulo, siguro bilang pagbibigay respeto sa network na pagsisimulan  na niyang pagtrabahuhan makatapos ang MMFF 2014.

Jodi kailangang mag-effort para maging mataray

Mukhang kailangang mag-double effort ni Jodi Sta. Maria sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo kung ayaw niyang  maungusan sa acting ng kilala at tanggap nang magaling na artista na si Angelica Pa­nganiban. Ginagampanan ni Angelica ang role na ginampanan nun ni Jean Garcia samantalang role naman ni  Eula Valdez  ang na-assign kay Jodi.

Maninibago ang mga tagasubaybay ng minahal nang si Maya sa Be Careful With My Heart dahil ibang-iba ang role na gagampanan niya sa bagong serye. Kontrabida sila ni Angelica. Pati ayos niya ay binago rin para bumagay sa role niya.

Vina halatang in love pa kay Robin

Kung pagbabasehan ang sinabi ni Vina Morales na ayaw niya ng magulong buhay kasama ng lalaking minamahal niya at  lalong ayaw niya ng may kasalo sa pagmamahal nito, aba eh mukhang mabobokya si Ro­bin Padilla sa “panliligaw” nito sa kanya ngayon.

Marami ang nagsasabing gimik lamang para sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ang pagpapamalas na pagkagiliw ni Binoe sa kanyang kapareha. Wala ring pagdaramdam si Mariel  Rod­riguez sa kanyang pag-alis patungong Tate hindi dahil nagseselos ito kundi para dalawin ang kanyang magulang. Gustung- gusto ni Robin na samahan siya, pero bigo itong makakuha ng visa.

Sana nga hindi madarang si Vina sa kanilang pagsasama sa pelikula ni Robin. Kahit obvious na may soft spot pa rin siya sa kanyang ex, hindi naman siguro niya gugustuhin na masaktan si Mariel kapag minahal niyang muli si Robin, kahit tanggap  ni Mariel  na bilang isang Muslim ay pwedeng magmahal ng higit sa isang babae ang kanyang asawa.  Yun na!

 

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANG UNANG PANGULO

ANGELICA PA

BE CAREFUL WITH MY HEART

MARIEL

MY BIG BOSSING

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with