^

PSN Showbiz

Aiza at Liza sa bashers: Makakahanap din sila ng pagmamahal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tulad ng ibang artista, walang balak patulan ng bagong kasal na sina Aiza Seguerra at Liza Dino ang kanilang mga basher.

Alam ng dalawa na marami ang kontra sa kanilang same sex marriage, ngunit wala na silang pakialam sa mga ito.

“Actually wala akong balak na patulan sila,” paliwanag ni Liza sa kanilang panayam ni Aiza sa “Aquino & Abunda Tonight” nitong kamakalawa.

“Hindi kami nagsasalita but we are aware, we are aware of what is being said, and siguro ang sa amin lang it's the hope, the understanding and the empathy for this kind of situation, with our relationship,” dagdag niya.

Para naman kay Aiza ay sanay na aniya siya sa mga negative comments kaya naman umaasa na lamang siya na makahanap ng tunay na pagmamahal ang mga naninira sa kanila.

“One day makahanap din sila ng saya na nararamdaman namin. One day makahanap din sila ng pagmamahal na naibibigay namin sa isa't isa. Kasi honestly kapag naramdaman nila 'yon, I think they won't say anything.”

Nitong Disyembre 8 kinasal sina Aiza at Liza sa California kung saan legal ang same sex marriage.

Sinabi rin ng dalawa na nais na nilang magkaroon ng baby.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALAM

AQUINO

KASI

LIZA DINO

NITONG DISYEMBRE

SINABI

TULAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with