^

PSN Showbiz

Dahil kay Vina, Robin at Mariel hiwalay sa Pasko at Bagong Taon!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Halata naman kung pinagpapareha lamang sina Robin Padilla at Vina Morales para sa pro­mosyon ng reunion movie nila na Bonifacio, Ang Unang Pangulo, isa sa mga entry para sa Metro Manila Film Festival 2014. Pero ma­rami sa dumalo sa presscon ng kanilang movie ang naniniwala na tila nabubuhay muli ang damdamin na akala ng lahat ay patay na sa pa­gitan nila dahil sa kanilang pagsasamang muli sa trabaho.

Bukod sa humingi na ng tawad ang aktor sa aktres dahil sa naging trato niya rito nung magka-relasyon sila’t magkahiwalay, ispesyal ang trato ni Robin kay Vina, maski na ngayong nakatapos na sila ng shooting ng kanilang pelikula.

Hindi mo naman masasabi na bawal ang namamalas sa kanyang parang panunuyo sa single pa ring ex niya lalo’t ang isang Muslim na katulad ni Robin ay malayang umibig at mag-asawa sa isang pang babae bukod sa kanyang asawa of many years na si Mariel Rodriguez na wala nga­yon at nasa US para dalawin ang kanyang pamilya.

Magkahiwalay ang mag-asawa hanggang sa su­sunod na  taon at babalik lamang  si Mariel sa bu­­wan ng  Enero.  Dapat ay kasama ni Mariel sa bi­ya­he si Robin, pero hindi na naman ito nakakuha ng visa para makalabas ng bansa. Hindi rin naman ma­kapagbigay ng direktang pahayag si Vina na hindi siya papatol sa isang may asawa na tulad ni Robin.

Sinabi lamang niya na ayaw niya ng may kahati sa pag-ibig at ng isang buhay na magulo. Sa halip ay mukhang bumibigay na siya sa panunuyo ngayon ni Robin.

Hindi rin naman magawang magselos ni Mariel dahil sabi nga ni Robin ay alam nito ang pinasok niya sa pag-aasawa sa isang Muslim.

Tingnan na lang natin kung matapos ang pagpapalabas ng Bonifacio, ang Unang Pangulo ay manatili pa rin ang magandang pagtitinginan ng dalawa.

Direktor ng Bonifacio ay si Enzo Williams, isang award winning graduate ng Los Angeles City College, tinatayang pinaka-malaking film school sa US.

JC inamin na ang relasyon kay LJ

Umamin naman sa presscon ng Shake  Rattle & Roll XV si JC de Vera na hindi pa siya nanliligaw kay LJ Reyes, pero dinadalaw na niya ito sa bahay nito. Ikasisiya ito ng maraming tagasubaybay ng dalawa, na nag-open  na rin ng kanyang damdamin sa da­ting karelasyon ni Paulo Avelino at ina ng anak nito. Hindi kasi masaya ang followers ng dalaga na habang masaya si Paulo sa sinasabing karelasyon na si KC Concepcion ay wala man lamang nagpapasaya kay LJ, bukod sa kanyang anak.

Sa ginawang pag-amin ni JC tungkol sa damdamin niya sa aktres parang nagkaro’n ng buhay at kulay ang love life nito.

Kasama si JC sa episode na Ahas sa SRR XV. Kapareha niya  si Erich Gonzales na kapuna- puna ang absence sa presscon ng movie. Ganun din sina Carla Abellana, Ariel  Rivera at Solenn Heussaff.

vuukle comment

ANG UNANG PANGULO

BONIFACIO

CARLA ABELLANA

ENZO WILLIAMS

ERICH GONZALES

MARIEL

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with