^

PSN Showbiz

Bonifacio gumamit ng Hollywood lights

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Alaga ng producer ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo ang buong cast, pati na rin ang staff at crew dahil may kompletong medical team sa set tuwing big scene at fight scene ang kinukunan. Sabi ni Robin Padilla, tsini-chek sila bago at pagkatapos kunan ang big scene at baka nga naman may na-high blood at may na-low blood sa kanila.

Isa pang ipinagmamalaki ni Robin ang equipment na ginamit sa shooting. Naintriga kami sa tinawag niyang huge Hollywood lights at dahil plural ang ginamit nito, ibig sabihin, maraming ganu’ng lights sa shooting. Curious kaming ma­laman kung ano ang naga­gawa ng Hollywood lights sa pelikula.

Entry sa MMFF ang Bonifacio at sana mangyari ang gusto ni Robin na panoorin at suportahan ang pelikula para malaman ang tunay na nangyari kay Bonifacio at para mas makilala siya lalo na ng mga kabataan.

Alex ipa-package na Ariana Grande

Dadalhin ng DSL Productions ni Pops Fernandez ang Celestine concert ni Toni Gonzaga sa Cebu City sa January 16. Gagawin ang concert sa Waterfront Hotel at guest uli si Alex Gonzaga.

After ng concert ni Toni, si Alex naman ang ipo-prodyus ni Pops ng concert at two-night ito sa Music Museum sa March 2015. Bilib daw si Pops sa husay na performer at pagiging versatile ni Alex na kahit ano ay kayang gawin, kaya bibigyan niya ng two-night concert.

Sa Instagram (IG) unang in-announce ni Pops ang concert ni Alex.

Nag-post si Alex ng “AG from the East” at ang dating nito sa fans niya ay ipa-package siyang mala-Ariana Grande sa kanyang concert. Pati ang picture na ginamit ni Alex ay kamukha siya ni Ariana.

Nakakatuwa dahil may mga nag-request kay Pops na iprodyus din ng concert si Angeline Quinto. May nag-request din na iprodyus ni Pops ng single si Rhian Ramos dahil magaling daw itong singer at rapper at kaibigan pa ni Robin Nievera.

Nathalie ini-enjoy na lang ang isyu sa rape

Hindi namin nakita si Natalie Hart sa presscon ng Shake, Rattle & Roll XV, hindi yata ito pinapunta sa presscon, marami pa naman itong isyu ngayon. Isa rito ang pagkaka-link niya kina James Reid at Julian Estrada, pero friends lang daw nito ang dalawa, kaya hindi dapat magalit sa kanya ang Jadine fans nina James at Nadine Lustre.

Nauna na itong nag­pa­liwanag at nag-sorry na rin ito sa comment niya sa rape victims na da­hil wala nang magagawa, i-enjoy na lang. Na-misinterpret lang daw siya sa comment niya at mukhang tinanggap ang paliwanag dahil natigil ang pamba-bash sa kanya.

Anyway, kasama si Natalie sa Flight 666 episode at nag-spoiler na isa ang karakter niya sa mamamatay, kung paano, ‘yun ang hindi niya sinabi.

Mukhang nagiging favorite ng Regal Entertainment si Natalie dahil after Shake, Rattle & Roll XV, kasama rin siya sa Retreat House. Natutuwa ito sa sunud-sunod niyang projects dahil mabilis matutupad ang dream na makabili ng sariling bahay.

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

ANG UNANG PANGULO

ANGELINE QUINTO

ARIANA GRANDE

BONIFACIO

CEBU CITY

CONCERT

DAHIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with