^

PSN Showbiz

Ejay walang planong kilalanin ang ama

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging masaya raw ang 2014  ni Ejay Falcon dahil iba’t ibang bansa ang kanyang napuntahan ngayong taon. “Nakailang balik ako sa States, tapos siyempre pinadala ako ng TFC (The Filipino Channel). Nakapunta ako sa London, nakapunta ako ng France, Ireland. So kahit parang sa panaginip dati hindi ko akalaing mapupuntahan ko siya,” bungad ni Ejay.

Hinding-hindi raw makalilimutan ng aktor ang kanyang pagbisita sa France lalo pa’t doon nakatira ang kanyang tunay na ama na hindi pa niya nakikilala nang personal. “Hindi ko na-meet pero no’ng nasa plane ako, sabi ko, ‘Wow! Parang kinikilabutan ako, siyempre after ng Pilipinas ‘yun na ang next na bansa para sa akin. Tapos paglapag ng France, Ito na ‘yung mga tao dito, parang naisip mo na, ‘Dito dapat ako.’ Pero masaya ako dito sa Pilipinas. Hindi ko na-meet, hindi na muna bilang respeto sa taong nagpalaki sa akin. So hindi muna,” kwento ni Ejay.

Naniniwala ang binata na darating ang tamang panahon na makikilala na niya ang tunay na ama. “Gusto ko rin naman siyang makilala, parang ayokong ako ‘yung gumawa ng way para makita siya. Sa ngayon kasi parang ‘yun nga, bibigyan ko ng pagpapahalaga at respeto ‘yung mararamdaman ng stepfather ko. So nando’n muna ako pero siyempre hindi ko naman kino-close ‘yung door para ma-meet siya,” paliwanag pa niya.

Manolo, nahihirapan sa pag-aartista

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabak na sa paggawa ng pelikula ang Pinoy Big Brother Housemate na si Manolo Pedrosa. Katambal ng binata si Maris Racal na kasamahan din niya sa PBB noon sa Star Versus Me. “Grateful po ako na bagong experience itong ginagawa ko, na movie na po. Kasi usually, teleserye lang like ‘yung Hawak Kamay. Ngayon, new experience na po talaga,” nakangiting pahayag ni Manolo.

Ilang buwan pa lamang sa show business ang binata pero aminadong nahihirapan pa siya. “Mahirap pong maging artista. Five months pa lang po ako at hindi talaga maiwasan ‘yung pressure sa ginagawa ko. Kasi, from school to work agad eh. Medyo na-culture shock din po, pero medyo nasasanay na rin po. Buti na nga lang, may workshop po ang Star Magic, tinuturuan nila kami sa acting, attitude sa set,” pagtatapat ni Manolo.

Marami na raw ang nagbago sa personal na buhay ni Manolo mula nang lumabas sa Pinoy Big Brother House. “Hindi na ako masyadong nakakalabas ngayon dahil sa work. Nag-stop na rin po ako sa school, pero next year po aayusin ang schedule ko para makabalik. Marami na ring followers sa social media,” natatawang pagtatapos ni Manolo.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

EJAY

EJAY FALCON

FILIPINO CHANNEL

HAWAK KAMAY

KASI

MANOLO

MANOLO PEDROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with