^

PSN Showbiz

Gerald si Maja na ang gustong maging asawa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Si Maja Salvador na ang gustong pakasalan at makasama habang-buhay ni Gerald Anderson.

“Ah my no. 1 goal na kami na lang ang makasal hanggang tumanda na kami,” sabi ng aktor nang sabay silang humarap sa entertainment press para sa  pinakabagong kwento ng Kapamilya Christmas TV special na Give Love on Christmas para sa ikalawang Pasko-serye na pinamagatang The Gift of Life na mapapanood na sa Lunes (Disyembre 22).

Pero hindi naman agad-agad sila pakakasal. More or less five to ten years pa.

At kung noon, hesitant pa ang dalawa na magkuwento tungkol sa kanilang more than a year na relasyon, the other night ang dami nilang revelation.

Like sabi ni Maja everyday ay may regalo sa kanya si Gerald para ipakita ang sobrang pagmamahal nito sa kanya.

At si Maja naman, natuto nang magluto para sa boyfriend.

Alam na rin nila ang pinakakatago-tago nilang ugali. Say ni Gerald, parang energizer ang girlfriend niya dahil pakiramdam niya ay hindi ito nauubusan ng lakas.

Pero ang kakaibang ugali ni Gerald ay hindi naibuko ni Maja dahil hindi raw ka-share-share.

For Maja, almost perfect din daw ang 2014 niya dahil bukod sa maraming blessings, album na nag-gold at nag-platinum pa, nakasama at mas nakilala niya si Gerald habang ginagawa nga itong The Gift of Life.

Anyway, sa kwento ay gaganap si Gerald bilang si Tristan, isang binata na labis na nangangailangan ng kidney transplant matapos ang isang malagim na aksidente noong kanyang kabataan. Sa kanyang paghahanap ng posibleng donor,  makikilala ni Tristan  ang dalagang ulila na si Melissa (gagampanan ni Maja) na nawalan na ng paniniwala sa Diyos mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang.

Sa pagkrus ng landas ng dalawa, mabubuo ang isang espesyal na kasunduan—ang tulungan ni Melissa na tuparin ang mga  bagay na nasa “bucketlist” ni Tristan na puno ng mga nais niyang gawin ngunit hindi masubukan dahil sa kanyang sakit.

Magsisimula ng The Gift of Life sa  Give Love on Christmas ngayong Lunes, bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

vuukle comment

ALAM

DISYEMBRE

FOR MAJA

GERALD ANDERSON

GIFT OF LIFE

GIVE LOVE

KAPAMILYA CHRISTMAS

MAJA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with