^

PSN Showbiz

Megan kitang-kitang paborito ng Miss World organizer!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Para kay Martin Nievera, puwede raw talagang sumunod sa yapak ni Pops Fernandez bilang concert queen ay si Toni Gonzaga.

Ipinag-produce pa nga ni Pops si Toni ng malaking concert na patunay na suportado ni Pops ang career ni Toni.

PAK: Humabol ang bagong kasal na sina Aiza Seguerra at Liza Diño sa garden wedding nina Chito Miranda at Neri Naig na ginanap sa Angelfields Garden sa Tagaytay.

Pangalawang kasal na iyun nina Chito at Neri, at bukod sa kanilang dalawa, ang dami ring bumabati at kinu-congratulate ang bagong kasal na sina Aiza at Liza.

Gamit na ni Liza ang apelyido ni Aiza at halos araw-araw ay nagpu-post ang dalawa sa kanilang Instagram account kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

BOOM: Hindi man nagwagi o nakapasok man lang sa top 10 ang pambato natin sa Miss World na si Valerie Weigmann, nakakatuwa pa ring panoorin na puring-puri si Megan Young sa kanyang pag-relinquish ng kanyang korona sa bagong hirang na Miss World na nakuha ng Miss South Africa na si Rolene Strauss.

Si Megan ang isa sa host ng Miss World, at siya lang ang tanging Miss World na napapanood sa kabuuan ng show.

Lalo pa siyang gumanda at kitang-kita kung gaano siya kagusto at paborito ng organizer na si Julia Morley.

Ngayong tapos na si Megan sa kanyang pagiging Miss World, maging open na kaya siya sa relasyon nila ni Mikael Daez?

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ANGELFIELDS GARDEN

CHITO MIRANDA

JULIA MORLEY

LIZA DI

MARTIN NIEVERA

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

MISS WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with