^

PSN Showbiz

Pinasahan ng korona ni Megan magdo-doktor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sulit na sulit ang participation ni Megan Young sa coronation night ng Miss World 2014 sa London noong Linggo.

Parang The Megan TV Special ang nangyari dahil babad na babad si Megan sa telebisyon mula umpisa hanggang ending ng programa.

Walang nagreklamo na over exposed si Megan dahil ang ganda-ganda niya. Hindi nakakasawa na titigan at panoorin ang kanyang mukha. Confirmed na mas maganda ngayon si Megan kesa nang mapanalunan niya ang Miss World crown noong 2013 sa Bali, Indonesia.

Tunay na world class ang Filipina beauty ni Megan, lalo na sa kanyang farewell walk. Pinalakpakan ng audience si Megan nang umapir ito sa stage na suot ang kanyang modern terno gown.

Bagong Miss World medical student

Isang medical student ang successor ni Megan, si Miss World South Africa Rolene Strauss na pagkaganda-ganda kaya walang nagprotesta na luto ang resulta ng contest.

Luz Valdez ang Philippine bet na si Valerie Weigmann na hindi sinuwerte na magkaroon ng puwesto o maka-enter sa semi-finals ng Miss World 2014.

Puwede nang i-resume ni Valerie ang hosting job niya sa Eat Bulaga na malaki ang naitulong para makilala siya ng mga tao.

Nabawasan ang mga host ng Eat Bulaga dahil sa paglipat ni Isabelle Daza sa ABS-CBN at sa desisyon ni Marian Rivera na magpahinga muna pagkatapos ng kasal nila ni Dingdong Dantes sa December 30.

Napansin si Valerie sa Eat Bulaga at nadagdagan ang kanyang popularidad nang magkaroon siya ng beauty title.

Hit na hit sa Eat Bulaga viewers ang mga showdown nina Valerie at Isabelle na imposible nang mangyari dahil magkaiba na ang mga home studio nila.

Mayor Erap idi-disqualify daw ng SC

Kumalat kahapon ang balita na lalabas ang desisyon ng Supreme Court tungkol sa disqualification ni Papa Joseph Estrada bilang alkalde ng Maynila.

Pinabulaanan ng isang malapit kay Papa Erap ang tsismis dahil sa susunod na buwan pa raw lalabas ang moment of truth.

Bayolente ang reaksyon ng mga loyal supporter ni Papa Erap nang makarating sa kanila ang nagbabagang isyu. Hindi raw sila makapapayag na mawala sa puwesto si Papa Erap dahil ito ang inihalal nila.

Nag-e-emote ang mga supporter ni Papa Erap dahil sa mga nangyayari sa political career ng kanyang pamilya. Naunang pinababa mula sa puwesto si Laguna Governor ER Ejercito at sinundan ito ni Senator Jinggoy Estrada na ipinakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Kris namaga, nakainom ng maling gamot

Pahinga muna ang beauty ni Kris Aquino na nagkamali ng pag-inom ng gamot kaya namaga ang kanyang mukha.

Masakit ang katawan at masama ang pakiramdam ni Kris noong Linggo kaya nag-take siya ng gamot.

Hindi napansin ni Kris na ang gamot ng kanyang anak na si Josh ang nainom niya kaya  nagkaroon siya ng allergic reaction.

Parang kinagat ng bubuyog si Kris dahil namaga  ang kanyang mukha. Bed rest ang payo ng doctor na personal na pumunta sa bahay ni Kris para tingnan ang kalagayan niya.

May aral na matutunan mula sa karanasan ni Kris, bago mag-take ng gamot, basahin na mabuti ang label para hindi magkamali at hindi lumala ang inyong sakit.

Imbes na gumaling, lalong naging mabigat ang pakiramdam ni Kris dahil sa allergy niya sa Ibuprofen.

vuukle comment

BAGONG MISS WORLD

CAMP CRAME

DAHIL

EAT BULAGA

KANYANG

KRIS

MEGAN

MISS WORLD

PAPA ERAP

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with