^

PSN Showbiz

Produ aminado launching movie ng anak ni Piolo kinumpirmang flop

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa si Direk Joyce Bernal dahil ina­ming hindi kumita ang pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig na produced ng Spring Films na ang alam ng marami, dalawa sila ni Piolo Pascual sa mga producer.

Pero tuloy ang pagpoprodyus ni Piolo ng youth-oriented movie kahit hindi kumita ang Relaks... Hindi lang sigurado kung kasama pa rin sa cast ang anak ng aktor na si Iñigo Pascual dahil baka ituloy nito ang pagsali sa isang boy band sa States. Binalikan daw ito at muling in-offer na sumama sa boy band at ‘pag tinanggap ang offer, balik-Amerika na ito.

Natuwa si Direk Joyce nang malamang pinayagan na ng parents niya si Julian Estrada na ipagpatuloy ang showbiz career. 

Anyway, nakulit ng press si direk Joyce na ikuwento ang next projects niya after idirek ang Prin­sesa episode ng My Big Bossing. Ayun, ibinalitang may gagawing movie si Piolo next year, light romance at may working title na Letseng Pag-ibig. Walang nabanggit na leading lady ni Piolo si direk Joyce.

Dagdag pa ni Direk Joyce, may movie sila para kay Eugene Domingo, hindi ito sequel ng Kimmy Dora, ibang project.

Si direk Joyce din ang director ng Once Upon a Kiss ng GMA-7 na bida sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Hindi pa sila nagti-taping, pero nakita niyang may chemistry ang dalawa nang magkatabi sa storycon ng primetime series.

Derek malabo raw magbalik-Kapamilya

May tsikang ang “old home” na isinulat na blind item ni Ricky Lo sa The Philippine Star tungkol kay Derek Ramsay ay ang pagbabalik nito sa ABS-CBN. Kaya lang, may bagong show sa TV5 si Derek after The Amazing Race Philippines 2 at January 2015 pa ang airing.

Ito ‘yung light comedy na Mac and Chiz na pag­sasamahan nina Derek at Empoy kasama ang leading lady ni Derek na si Bianca King. Sabi ni Bian­ca, magti-taping na sila sa series at si Soxy Topacio ang kanilang director.

May post din si Derek ng picture niya sa trade launch ng TV5, kaya pinagtatakhan ang paglitaw ng isyung babalik siya sa ABS-CBN. Ang alam din ng mga taga-TV5, may kontrata pa sa network ang aktor, kaya nagulat din sila sa balitang ang babalikan nitong “old home” ay ang ABS-CBN.

Nikki hindi pa komportableng pag-usapan ang bagong BF

Kahit si Nikki Gil nagugulat sa isyung aalis siya sa ABS-CBN at ililipat ng ma­nager niyang si Arnold Vega­fria sa GMA-7. Sabi ni Nikki nang makausap namin sa contact signing niya bilang endorser ng Reducin anti-obesity supplement, may nababasa siya tungkol dito, pero may kontrata pa siya sa ABS-CBN up to early next year.

Inamin ni Nikki na may nagpapasaya sa buhay niya ngayon, may dini-date siyang businessman, ayaw nga lang mag-elaborate. Promise nitong magsasalita siya ‘pag comfortable na siyang pag-usapan ang guy.

Anyway, sa presscon ng My Big Bossing, nabanggit ni Nikki na masaya siyang makasama sa pelikula. Heartwarming daw ang Prinsesa episode nila, tungkol sa pamilya, kaya masaya siyang mapasama sa pelikula. Si Nikki rin ang kakanta ng theme song ng episode.

TV5 may sisimulang lifestyle show

Kasama sa mga new show na ipinakilala sa trade launch ng TV5 ang E5 na isang entertainment/lifestyle show. Hosts nito sina Tim Yap, Divine Lee, KC Montero, IC Mendoza, at Grace Lee. Hindi binanggit kung kailan ang pilot nito at kung ano ang time slot.

Bukod sa TV5, ang producer ng E5 ay O­rion Entertainment at ALV Productions ng talent manager na si Arnold Vegafria.

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

ARNOLD VEGA

ARNOLD VEGAFRIA

DEREK

DIREK JOYCE

MY BIG BOSSING

NIKKI

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with