^

PSN Showbiz

Aljur hindi pa rin limot ang message ni Geoff kay Kylie

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Talaga palang pinagselosan ni Aljur Abrenica si Geoff Eigenmann. Napaka-sweet ng mga text nito kay Kylie Padilla at minsan ay nakabasa siya ng isa dito na siya marahil naging dahilan kaya nito hiniwalayan ang anak ni  Robin.  Bagaman at nai­paliwanag na ni Kylie kay Aljur ang tungkol dito, still natuloy pa rin ang paghihiwalay nila. Pero tapos na nga pala ang isyung ito. May kanya-kanya silang buhay sa kasalukuyan. Hayaan na natin sila.

Dong/Yan ayaw solohin ang kaligayahan

Hindi pagkakakitaan nina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera ang kanilang magiging kasal. Katunayan lahat ng matatanggap nilang cash bilang regalo ay mapupuntang lahat sa charity, sa foundation na itinatag ng aktor para sa pag-aaral ng mga hindi maka-afford. O, laban kayo? Nag-iisip na sila ng happiness sa wedding day ay hindi pa rin sila nakakalimot sa mga nangangailangan. Mabuhay kayong dalawa!

Ryzza Mae takot sa galit ni Vic Sotto

Talagang gustong makita ni Ryzza Mae Dizon na makasal sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna. Biruin mo nga naman, magkakaron din siya ng showbiz mom. Pero gaano man ang kagustuhan niyang maganap ang kasalang ito, quiet lang siya sa pagbibitaw ng salita sa press kapag natatanong siya tungkol dito.  Baka nga naman magalit ang tatay-tatayan niya.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

DINGDONG DANTES

GEOFF EIGENMANN

KYLIE PADILLA

PAULEEN LUNA

PERO

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with