^

PSN Showbiz

Lani nagsawa sa araw-araw na kayod sa Las Vegas

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Personal na desisyon ni Lani Misalucha na iwan muna ang namamayagpag niyang career sa Las Vegas ngayong taon. “Talagang I chose not to do anything sa Vegas. Ang pinakahuli ko na araw-araw akong nagtatrabaho was 2012. Sabi ko after nito magpapahinga muna ako sa araw-araw na show,” bungad ni Lani. Hindi raw inakala ng singer na muli siyang tatangkilikin ng mga tagahanga sa Pilipinas sa kanyang pagbabalik. “Marami akong nakukuhang calls from here sa Pilipinas. Mga show sa Resorts (World) hanggang sa each time na nandito ako, lagi kaming nakakatanggap ng calls to do this and that. So sabi namin sige, since marami namang tumatawag sa amin, sige gawin na muna natin itong sa Pilipinas,” kwento ni Lani. Hindi raw pinagsisisihan ng singer ang ginawang desisyon lalo pa’t para naman daw ito sa kanyang pamilya. “Anyway, sabi ko malalaki naman na ‘yung mga bata. I guess this is the best time for us to leave U.S. every now and then. And it’s a good thing, siyempre Pilipinas ito eh. Makakauwi kaming mag-asawa madalas,” paliwanag pa niya. Samantala, abala na ngayon si Lani sa paghahanda para sa kanyang La Nightingale concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa December 6. 

Janella pag-aagawan nina Mario at Manolo

Kahapon ay nagtapos na ang teleseryeng Be Careful With My Heart. Naging emosyonal ang pamamaalam ng buong cast kasama ang ilang executives ng Kapamilya network dahil sa pagwawakas ng nasabing programa. Isa si Janella Salvador sa mga artista ng serye at ngayon ay magtutuluy-tuloy na ang pagiging bida ng aktres sa Oh My G! na bagong soap opera. “I’m going to be with Marlo Mortel and Manolo Pedrosa, more on the teen story, there is drama din. We just had our story conference and I’m super duper nervous and at the same time I’m super excited. Kasi it’s actually a very interesting soap. It’s my first leading role so it’s about the fifth centenary of St. Therese of Avila and it’s going to air early next year. So abangan nila ‘yan, it’s inspiring,” pahayag ni Janella. “Well about the role, it’s a typical teenager lang eh. It’s very me, it’s very modern. So it’s really something that teens can relate to and ako, personally I have a relationship with God. I’m very faithful so I’m really excited to play this role,” dagdag ng aktres.

Ayon kay Janella ay mas madali na raw ang kanyang magiging trabaho kasama sina Marlo at Manolo Pedrosa dahil nagkasama na sila sa mga proyekto. “Kasi I’m comfortable na with Marlo. Matagal ko na siyang naka-work. I’ve worked with Manolo in MMK (Maalaala Mo Kaya). So I guess it’s going to be okay and we’re having workshops na,” paliwanag ni Janella.

                          Reports from JAMES C. CANTOS 

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BE CAREFUL WITH MY HEART

JANELLA

JANELLA SALVADOR

LANI

MANOLO PEDROSA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with