^

PSN Showbiz

Kris wala nang lakas pag-uwi ng bahay, hindi na naaasikaso ang dalawang anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

 Ngayong Biyernes na ang opening/blessing ng Chowking branch sa Ali Mall na pagmamay-ari ni Kris Aquino. Sa contract signing pa lang niya, in-announce nang may two branches pa siya ng CK na bubuksan.

Tapos na ang shooting ni Kris ng Feng Shui, may time na siyang asikasuhin ang kanyang negosyo.

Anyway, sa pagtatapos ng shooting ng Feng Shui  na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ka­sa­mang pinasalamatan ni Kris ang house­hold staff niya, drivers, prayer gang friends, at long­time friends, ang mga anak na sina Josh at Bimby na hindi nagrereklamo ‘pag pagod na siyang umuuwi at hindi nagagawa ang responsibilidad niya bilang ina.         

Bianca na-shock nang pakawalan ng GMA

Hindi malayong pumirma ng exclusive contract sa TV5 si Bianca King dahil after Obsession, dalawang magkasunod na shows ang kanyang gagawin. Nauna na ang Wattpad Presents His Secretary na ai­ring na sa Monday, 9:30 p.m., sa direction ni Soxy Topacio at kapareha niya si John James Uy.

First time niyang gumawa ng rom-com series, nag-enjoy siya dahil very light ang mga eksena pati crying scene niya. Nahirapan lang siya kay Empoy dahil hindi sumusunod sa script, nag-a-adlib ito.

Isusunod agad ang Mac and Chiz rom-com series na may January 2015 airing at katambal niya si Derek Ramsay. Mahusay na artista at professional si Bianca, kaya gusto siya ng TV5.

Nang tanungin kung posible siyang maging exclusive contract ng TV5, positive ang sagot, bukas siya sa posibilidad na ito ‘pag may offer.

First time inamin ni Bianca na medyo nasaktan siya na hindi ni-renew ng GMA-7 ang kanyang kontrata after being with the network for 10 years. Pagbalik niya from abroad, nagulat siya sa nalamang hindi siya ni-renew ng Ch. 7.

Ang daming ginagawa ngayon ni Bianca kasama ang pag-aaral ng culinary arts sa Center for Culinary Arts (CCA). Nakipag-collaborate siya kay Xander Angeles sa malapit ng buksang Runner’s Kitchen sa may Tomas Morato. Partner din sila ni Al Galang sa Beyond na isang yoga studio sa  Rockwell.

Nakasuporta kay Bianca sa lahat ng ginagawa niya ang boyfriend na si Julio Villafuerte at masaya siya sa one and a half years relationship nila.

 

vuukle comment

AL GALANG

ALI MALL

BIANCA

BIANCA KING

CULINARY ARTS

FENG SHUI

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with