^

PSN Showbiz

TV network nag-offer uli ng early retirement

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mga taga loob na mismo ng isang TV network ang nagkukuwento na hindi nila malaman kung may trabaho pa sila kinabukasan dahil sunud-sunod ang mga pagbabago at pagkawala ng mga tao (talents and staff) sa kanilang pinaglilingkurang istasyon. Muli umanong nag-alok ng early retirement ang management sa maraming empleyado.

Meron ding issue na hindi umano magkasundo ang dalawang top TV executive at ito’y alam mismo ng mga empleyado ng TV network.

Ang ibang talents na may natitira pang kontrata sa istasyon ay hinihintay lamang na mag-expire ang kanilang contract at sila’y aalis na rin. 

Marami-rami na ring empleyado at talents ang nalagas sa TV network at mukhang magpapatuloy pa ito sa mga susunod pang mga araw.

Walk of Fame ni Kuya Germs madaragdagan na naman ng 30

Naging tradisyon na ng Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno ang paggawad ng mga stars sa Walk of Fame sa walkway ng Eastwood City in Quezon City tuwing sumasapit ang Dis­yembre 1. At hindi naiiba ang darating na December 1 kung saan mahigit 30 names ng mga kilalang personalidad ang madadagdag sa  stars ng Walk of Fame.

Si Kuya Germs lamang ang nakaisip nito na inspired ng Hollywood Walk of Fame sa Los Angeles, California, U.S.A.

Staunch supporter din si Kuya Germs na ga­wing City of Stars ang Quezon City dahil sa nasabing siyudad nakatayo ang lahat ng mga TV network, film and record companies, radio stations, at marami rin sa celebrities ay sa Quezon City nakatira liban pa na taga-showbiz ang mayor ng Quezon City, ang actor-politician na si Herbert Bautista.

Ang launch ng mga bagong pangalan na nakaukit sa stars ay sa ganap na ika-lima ng hapon ng December 1 sa Eastwood City na pamumunuan mismo ni Kuya Germs at ang celebrities na paparangalan.

PAMI nakakadalawang dekada na

Isang malaking pagtitipon ang binubuo ngayon ng PAMI (Professional Artists Managers, Inc.) officers and members sa kanilang ika-20 taon ng pagkakatag ng organisasyon bilang lupon ng mga talent managers sa buong bansa.

Ito’y nakatakdang mangyari sa buwan ng Enero sa isang kilalang venue kung saan inaasahan ang pagdalo ng mga naglalakihang stars and talents na hawak mismo ng mga PAMI talent managers.

Ang PAMI ay nabuo sa kasagsagan ng 1994 Manila Film Festival scam.

Ang bilis talaga ng panahon, Salve A.!

vuukle comment

CITY

CITY OF STARS

EASTWOOD CITY

HERBERT BAUTISTA

KUYA GERMS

QUEZON CITY

WALK OF FAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with