^

PSN Showbiz

Boy Abunda ‘nagalit’ sa mga nang-iitsapwera sa mga kasambahay at driver sa elevator

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nag-celebrate ang Backroom, Inc. ng kanilang 25th anniversary kamakalawa lang, November 25. Kaya ang tawag nila sa selebrasyon ay 25 on 25.

Kasabay nito ay ini-launch nila ng kanilang website na www.backroom.ph kung saan makikita ang lahat na mga activities ng Backroom artists.

Si Kuya Boy Abunda ang pormal na nagbukas ng naturang social portal na nagsasabing Chairman Emeritus na raw siya ng Backroom.

PAK: Pagkatapos ng kasal ni Amy Perez sa matagal na niyang partner na si Carlo Castillo, ang laki raw ng nabago sa kanya ngayong dala na niya ang apelyido ng kanyang asawa.

Saad ng actress/TV host: “Sinasabi ko nga na parang merong feeling na parang alam mo ‘yung naitataas mo na ang ulo na may titulo ka na ikaw si Mrs. Castillo.

“Very very happy ako na masasabi ko na ako ang legal wife.”

Hindi raw biro ang pinagdaanan niya para makamit ang annulment at isang taon ang hinintay nila bago sila nagpakasal para matiyak na maayos na ang lahat.

Ngayon ay sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanila kagaya nitong bagong endorsement sa isang produkto ng ATC Healthcare na kung saan kasama pa ang asawa niya at ang mga anak.

BOOM: Naging isyu na itong komento nina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino tungkol sa isang condo kung saan ipinagbabawal ang mga kasambahay, driver, construction worker, at iba pang trabahador na sumakay sa elevator kasama ng tenants at guests ng naturang establisyemento. Kinondena ito nina Kuya Boy at Kris dahil sa hindi pantay na pagtrato sa mga maliit na trabahador.

Hindi pa nila nagustuhan ang memo na ipinost at kumalat sa social media.

Kinabukasan ay nag-post sa Facebook account ang kapatid ng Property Manager ng naturang condo kung saan ipinagtanggol nito ang kanilang patakaran na ang sabi, iyun na raw ang patakaran ng halos lahat na mga building sa BGC, Taguig, at pati sa Makati kagaya ng dating tinitirhan ni Kris.

Tinawag pa niyang “comic duo” sina Kuya Boy at Kris, at pinagbibintangang ginagawa lang daw nila ito para makakuha ng mataas na ratings.

Ayaw sanang sagutin pa ito ni Kuya Boy dahil pinag-iisipan daw niyang sagutin ito sa isang press conference para masagot niya ang bawat isyu.

Pero nagsalita na rin siya nang natanong ito sa kanya.

Dagdag pa ni Kuya Boy: “Ang masasabi ko lang ngayon, hindi ako namemersonal, naging magalang ako. Nabastusan ako, arogante sa akin ang dating ng memo.”

vuukle comment

AMY PEREZ

BACKROOM

BOY ABUNDA

CARLO CASTILLO

CHAIRMAN EMERITUS

KRIS AQUINO

KUYA BOY

KUYA BOY ABUNDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with