^

PSN Showbiz

Kathryn walang paki sa bashers ng self-titled album niya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang successful launch ng kanyang self-titled album kahapon sinabi ni Kathryn Bernardo na alam niyang may mga hindi natutuwa sa kanyang pagpasok sa mundo ng musika.

“Inexpect ko talaga na hindi lahat ng tao, maa-appreciate or maa-accept yung ginawa ko ngayon. Pero, kapag tinitignan mo naman, maraming nae-excite, maraming sumusuporta,” sabi ng 18-anyos na Kapamilya star.

“Kaya siguro, yung mga bashers, imbes na pansinin ko sila, mas papansinin ko yung mga sumusuporta sa akin,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Kathryn na wala naman siyang magagawa para baligtarin ang isipan ng mga may ayaw sa kanyang pagkanta.

“Bakit ko sila bibigyan ng oras? Hindi ko na sila pinapansin kasi nag-expect na ako na may darating talaga na ganun ang wala akong magagawa kung ayaw nila.”

Samantala, hindi rin isinasantabi ni Kathryn ang posibilidad na makapag-concert sa Araneta Coliseum tulad nang na-achieve ng kanyang ka-loveteam na si Daniel Padilla noong 2012 at 2013.

“Ayoko namang i-close yung idea na hindi ko yun gagawin. Kaya lang, kung bigyan ako ng chance and bigyan ako ng enough time para ma-train, siguro pwede basta gusto ko ready din ako sa sarili ko,” wika niya.

“Gusto ko 'pag nag-perform din ako sa kanila, worth it nilang panoorin. Hindi yung pwede na, gusto ko yung worth it panoorin. So kailangan ko ng time para magawa po yun.”

Patuloy niya: “Kung bigyan ako ng chance, why not, di ba? Basta para sa mga supporters, gagawin ko kung ano ang gusto nila.”

Ilan sa kanta ni Kathryn ang “Na sa'yo din pala” na sagot sa kanta ni Daniel Padilla na “Na sa'yo na ang lahat.”

vuukle comment

AKO

ARANETA COLISEUM

AYOKO

BAKIT

DANIEL PADILLA

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with