^

PSN Showbiz

Kaya may Pamasko, aktor kumita ng halos isang milyon sa pagkanta at pambobola lang sa abroad

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Masaya ang Pasko, Bagong Taon, at Valentine’s Day ng aktor na ito kahit walang regular show at walang ginagawang pelikula. Dahil sa sipag at pagod, naging very productive ang pagsu-show nito sa isang Asian country at sa loob lang ng 12 days, kumita ang aktor ng almost one million pesos na.

Kaya sobrang happy na bumalik ng bansa ang aktor dahil may gagastusin na siya at ang kanyang pamilya sa holiday season habang naghihintay ng offer. Pasalamat ito na marunong siyang kumanta at magsalita sa harap ng tao dahil nakapag-show siya habang nasa ibang bansa.

Walang home network ang aktor ngayon dahil hindi siya nag-renew ng kontrata sa network kung saan siya nagsimula.

Dennis hindi mapupuntahan ang Asian TV Awards

Hindi pala siguradong makadadalo sa Asian TV Awards sa Singapore si Dennis Trillo dahil sa ta­ping ng Hiram na Alaala at shooting ng movie nila ni Maja Salvador sa Regal Entertainment na may working title na Now and Forever.

Nominated na best actor si Dennis para sa My Husband’s Lover at sabi ni Director Dominic Zapata sa taping ng Hiram na Alaala, si Dennis lang ang dadalo sa awards night.

Isa pang magpapa-busy kay Dennis ang promo ng Shake, Rattle & Roll XV. Sila ni Carla Abellana ang bida sa Ulam episode na ang tawag ni Carla ay nakakadiring episode dahil sa mga kakainin nila.

Samantala, malapit nang matapos ang ipinatatayong bahay ni Dennis for his family somewhere in Antipolo. Ang wish nito, sa bagong bahay na sila mag-Pasko ng kanyang pamilya.

vuukle comment

ALAALA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

DIRECTOR DOMINIC ZAPATA

HIRAM

MAJA SALVADOR

MY HUSBAND

NOW AND FOREVER

REGAL ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with