^

PSN Showbiz

Mommy D walang kapaguran sa pagkaway, parang superstar sa motorcade ni Manny

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bumalik ng bansa si Congressman Manny Pacquiao at ang kanyang Macau entourage noong Lunes, isang araw matapos ang successful fight niya kay Chris Algieri sa Cotai Arena ng Venetian Hotel.

Sumalubong kay Papa Manny ang mga kababa­yan niya sa General Santos City na naghanda ng hero’s welcome para sa Pambansang Kamao.

Maligayang-maligaya si Papa Manny sa mainit na pagsalubong ng mga kababayan niya na luminya sa kalsada ng GenSan at matiyaga na naghintay sa pagdaan ng motorcade.

Hindi nagpatalbog si Dionisia Pacquiao sa kanyang anak dahil nag-join siya sa motorcade. Feeling superstar si Mommy D na hindi napagod sa pag­kaway sa kanyang fans.

Lalaking walang pahinga si Papa Manny dahil naglaro agad siya ng basketball pagkatapos ng motorcade.

Parang hindi nakaramdam ng pagod si Papa Manny sa laban nila ni Algieri na inabot ng 12 rounds.

Hindi naman kasi napagod si Papa Manny sa sagupaan nila ni Algieri. Ni hindi nagkaroon ng pasa ang kanyang mukha dahil puro sablay ang mga suntok ni Algieri.

Nakunan ng mga TV camera at nasaksihan ng buong mundo ang maraming beses na pagbagsak ni Algieri sa boxing ring pero ang pralala niya, isa lang ang legitimate knockdown na nangyari sa kanya. Echosero rin si Algieri ‘ha?

Korina blooming na blooming

Si Korina Sanchez ang special guest kahapon sa grand launch ng mga health product ng ATC Healthcare, ang kompanya ng pag-aari ng successful businessman na si Albert T. Chua.

Si Mama Koring ang ninang sa kasal ni Albert at ng misis nito kaya hindi niya napahindian ang imbitasyon sa kanya.

Ang blooming beauty ni Mama Koring ang napansin ng mga dumalo sa press launch ng ATC Healthcare. Gustung-gusto nila ang positive aura ni Mama Koring na nagbiro tungkol sa hindi pa nila pagkakaroon ng baby ni Secretary Mar Roxas. Naunahan pa raw sila ni Albert at ng misis nito na expecting a baby.

Galing honeymoon, Amy fresh na fresh ang hitsura

Sina Nikki Gil, Iya Villania, Jackie Rice, Raffy Tulfo, at Amy Perez ang mga celebrity endorser ng iba’t ibang klase ng mga health product ng ATC Healthcare.

Fresh from her honeymoon si Amy na nanggaling sa Asian cruise, kasama ang kanyang mister na si Carlo Castillo.

Bakas sa mukha ni Amy ang happiness at contentment dahil after 8 years, masasabi na niya na legal wife na siya ni Carlo.

Si Amy at ang kanyang pamilya ang mga endor­ser ng Strike na mabisa na panlaban sa mga lamok at ibang insekto.

Grateful si Amy dahil siya at ang kanyang pa­milya ang pinili na mga endorser ng ATC Healthcare. First time niya na makakasama sa isang endorsement ang kanyang asawa at mga anak.

vuukle comment

ALBERT T

ALGIERI

AMY PEREZ

CARLO CASTILLO

CHRIS ALGIERI

KANYANG

MAMA KORING

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with