^

PSN Showbiz

Fans ni Kim talo ang Noranians at Vilmanians kung tumili

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napakamatagumpay ng katatapos lamang na 28th Star Awards for TV ng PMPC. Hindi lamang sa punto ng programa na kahit na taped na ma­papanood sa TV sa Linggo, November 30, ay ma­ayos na nairaos ito. Nagsilbing hosts ng prog­rama sina Piolo Pascual, Enchong Dee, Iza Cal­zado, at Kim Chiu na talaga namang napaka-radiant sa ilang gowns na inirampa niya. Mas lalo siyang gumanda at hindi makapagsalita sa gulat nang tawagin siya para tanggapin ang Best Drama Actress para sa naging teleserye niyang Ikaw Lamang. Para nga naman talunin niya sa nasabing kategorya sina Angel Locsin, Maricel Soriano, Bea Alonzo, Lovi Poe, at Maja Salvador ay talagang isang malaking achievement para sa kanya.

Kaya na­man umiyak siya habang ina-acknowled­ge ang kanyang award. Pero ito ay sa git­na ng pag-iingay ng kanyang mga fans na mukhang tinalo sa ingay ang Nora­nians at Vilmanians sa mga nakaraang Star Awards. Hindi lang si Kim ang nag-iisang winner para sa Ikaw Lamang. Winner din si Coco Martin bilang Best Actor, John Estrada at KC Concepcion, bilang Best Drama Suppor­ting Actor & Actress at marami pang iba na kasama sa Best Primetime TV Series. Record holder din ang Ikaw Lamang sa rami ng acting nominations na nakuha nito.

Hindi lamang si Kim ang nag-iisang surprised winner nu’ng Gabi ng Parangal ng Star Awards. Tinalo rin ni Sunshine Cruz sa kategoryang Best Single Perfor­mance By An Actress sina Nora Aunor, Irma Adlawan, Janice de Belen, Yasmien Kurdi, Gina Pareño, Maricel Soriano, at Carmina Villarroel.

First time manalo ni Jose Manalo ng acting award at hindi ito para sa isang comedy, kundi sa isang drama show, sa isang Lenten episode ng Eat Bulaga, Hulog ng Langit. Tinalo niya sina Kristoffer Martin, Alden Richards, at Smokey Manaloto. Inamin ni Jose na bagaman at mahirap mag-drama, mas hirap siyang mag-comedy. Mas madali raw magpatulo ng luha kaysa magpatawa na hindi lalabas na corny.

Muli ginulat ni Iñigo Pascual ang ama niyang si Piolo Pas­cual nang mapili silang Stars of the Night ni Nadine Lustre na nagpakita ng kanyang lakas bilang ka-loveteam ni James Reid. Pero tinalo pa rin sila ng Daniel Padilla-Kathryn Bernardo tandem na napi­ling German Moreno’s Power Tandem.

Revelation din sa Gabi ng Parangal si Pokwang na nagbigay ng isang musical number (sing & dance) na nakatago ang tunay na kaanyuan. Kaya hindi nakikilala ng audience kundi lamang inanunsyo ng announcer na si Pokwang ito. Bukod sa naka-two piece costume lamang siya (bikini top and panty) may wig siyang platinum blonde. Crowd favorite naman ang Best Child Actor na si Raikko Matteo. At kahit patapos na ang Be Careful With My Heart, pero huma­bol pa rin ito ng Best Daytime Drama Award.

May sakit ang Lifetime Achievement Awardee na si Nova Villa, pero hindi niya pinalampas ang pagdalo sa naturang event dahil miminsan lamang ito mangyayari sa kanya. Nilalagnat ito at may kasamang doktor. Proud recipeint din ng Excellence in Broadcas­ting Award si Mike Enriquez.

Daniel tagatikim ng mga niluluto ni Kathryn

Malaking push sa career ni Kathryn Bernardo ‘yung ipinamalas niyang enthusiasm sa pagluluto nang mag-guest siya sa Kris TV. Kung sa bagay, hindi naman maaring hindi siya maimpluwen­syahan ng kanyang nanay na magaling magluto. Suwer­te nga ni Daniel Padilla dahil paborito niyang kainin ‘yung leche flan na ginagawa ng kanyang ka-loveteam na mayro’n pang macapuno. Siguradong ka­pag natuto pang mag-bake ang young actress ay baka tumaba na nang husto si DJ dahil siya palagi ang nagsisilbing opisyal na taste tester ni Kathryn.

Stag at bridal shower nina DongYan, wala pa ring tigil

Paano ba naman hindi pag-uusapan ang magaganap na kasal ni Marian Rivera kay Dingdong Dan­tes eh ang future groom niya ay hands on at nagpu-post ng mga update sa kanyang social media account. Katulad na lamang ng personal na pa­nga­nga­siwa niya sa restoration ng isang kotse na sa­sakyan ni Marian sa wedding nila on Dec. 30.

Grabe at kaya pang gawin ni Dingdong ito, gayung busy siya sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2 pati na rin sa mga stag party na ibinibigay sa kanya ng mga kaibigan. Pero kung maraming stag party si Dingdong, si Marian nama’y walang tigil sa pagtanggap ng bridal showers na baka umabot pa ng mga unang linggo ng buwan ng kanilang kasalan.

vuukle comment

IKAW LAMANG

LAMANG

MARICEL SORIANO

PERO

SHY

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with