^

PSN Showbiz

Dating mag-sweetheart na Regine at Ariel, magsasama para sa Pasko

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May plugging na sa GMA-7 ng Christmas musical special ni Regine Velasquez at ipinakikita ang guests niyang sina Ariel Rivera at Julie Anne San Jose.

Pero sa presscon pa lang ng Bet ng Bayan, ibina­lita na ni Regine ang tungkol dito.

Sa December 1, naka-schedule ang pictorial ni Regine sa kanyang Christmas musical special.

Mabuti pala at pinayagan ng ABS-CBN si Ariel na mag-guest at ang mga nalungkot na hindi ma­ka­ka­pag-guest si Regine sa Hologram concert ni Julie Anne, may chance pa rin na makita silang magkasama sa Christmas musical special.

Samantala, November pa lang, pero marami na ang nag-aabang sa Ultimate Valentine concert nina Regine, Martin Nievera, Gary Valenciano, at Lani Misalucha. Sa February 13 at 14 ito sa SM MOA Arena.

Mga branded bag ni Rufa Mae for sale na lahat

Ibinebenta ni Rufa Mae Quinto via Instagram (IG) ang signature bags na kanyang naipon. Grabe, ang daming mamahaling bags sa collection ni Rufa Mae at ang prices ay mula P18K P45K, P75K to P78,000 at dahil pinost ang bags, makakapamili na ang gustong bumili.

May Hermes Birkin, Balenciaga, Givenchy, Fen­di, Celine Nano, Hermes Kelly, Bottega Veneta, Va­­lentino at iba pang brand ng mamahaling bags. Ang mga interesado, bisitahin lang ang kanyang IG account.

Naalala tuloy namin ang isang aktres na balak ding ibenta ang collection ng expensive bags para makabili ng Hermes Birkin bags. Wala pa siyang HB bags, kaya idi-dispose ang karamihan sa naipong bags para magka-HB bag.

Okey kaya sa aktres ang second hand HB dahil kung okey sa kanya, bilhin na lang niya ang ibenebentang HB ni Rufa Mae. Madali ito sa kanya dahil pareho silang Kapuso stars ni Rufa Mae.

Nanghihingi rin ng dasal para hindi malaglag ang baby Jennica five weeks preggy na!

Magiging lola na si Jean Garcia da­hil in-announce ni Jennica Garcia that she’s five weeks preg­nant. Masaya ni­lang ipinakita ng asawang si Alwyn Uy­tingco ang result ng ultrasound. Kaya lang, nanghihingi ng prayers si Jennica para maging ma­kapit ang baby niya at para tumigil ang kanyang bleeding.

Ikinasal sina Jennica at Alwyn noong February 12 at ipinaalam lang noong October 14. Nitong November 17 lang nalaman ni Jennica na pregnant siya at ma­giging pa­rents na sila ni Alwyn.

“Please help us pray for my bleeding to stop, na maging makapit si baby and for the Lord to continue providing for our growing family,” pakiusap ni Jennica sa kanyang followers at sa mga bumibisita sa kanyang IG.

Premiere ng unang Pink Filmfest sa bansa gagawing makulay

Ipinakita sa amin ni Eloisa Matias ang design at magi­ging ayos ng Activity Center ng Trinoma kung saan gagawin ang premiere night ng Quezon City Pink Film Festival sa December 8. Naka-schedule naman ang filmfest from December 9-16. Maliwanag ang venue ng premiere night dahil ang tables and chairs ay gagamitan ng LED lights.

Nakumbinsi ni Eloisa ang pamunuan ng QC Pink Festival na ilipat sa Activity Center ang premiere night na ang unang balak ay sa harap ng Cinema 7 ng Trinoma lang gawin. May mga international guest na darating at maganda nga naman kung sa mas malaki at mas magarbong venue ito gagawin.

Bago magsara ang Pink Film Festival, gaganapin ang Pride March sa Dec. 13 na isa pa ring masayang okasyon sa QC. Nangako sina Nick de Ocampo at director Soxy Topacio na nasa likod ng Pink Film Festival na magiging rainbow ang kulay ng daraanan ng parada.

vuukle comment

ACTIVITY CENTER

ALWYN

ALWYN UY

BAGS

JENNICA

LANG

PINK FILM FESTIVAL

RUFA MAE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with