^

PSN Showbiz

Marian at Heart nagkasabay ang bridal shower; May milagro raw, Bea at Dingdong biglang natalo nina Coco at Kim sa Star Awards!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Inilunsad ni Gov. Vilma Santos ang Ala Eh! Festival sa Valencia Homes ni Mother Lily Monteverde kahapon ng hapon.

Sinurpresa ni Mother Lily si Gov. Vi ng isang birthday treat dahil hindi ito naki-celebrate sa Senior Prom Reunion gawa ng pagkakasakit nito.

Aminado si Gov. Vi na sobrang dinamdam niya ang biglaang pagpanaw ni Ate Aida Fandialan kaya bumagsak din daw ang katawan niya.

“Nung nangyari lang ‘yung kay Ate Aida, bumalik lang ‘yung ulcers ko, and I was hospitalized ng three days lang.

“Masyado lang na-magnify kasi itinaon ko na rin ang executive check-up. Pina-check ko ‘yung puso ko, nagpa-scan na, ibig kong sabihin sinabay ko na,” pahayag ng actress/politician.

Medyo natagalan din siyang nakalabas dahil pagkatapos niyang ma-hospitalized ng tatlong araw, nagkaroon naman daw siya ng insect bite sa ilong na nagkaroon ng infection, kaya ipina-laser niya ito.

“As what I’ve said, it’s so hard to be 36 and beautiful, marami ka nang naramdaman,” pabiro niyang pahayag.

Pero ngayon ay okay na raw siya, balik-trabaho na siya dahil puspusan na ang paghahanda sa Ala Eh! Festival na magsisimula sa December 1 hanggang 8, kung saan magkakaroon ng iba’t-ibang activities sa Batangas bilang kasabay na rin ng selebrasyon ng 433 founding anniversary ng Batangas City.

PAK: Nagkasabay ang bridal shower nina Marian Rivera at Heart Evangelista Linggo ng gabi.

Ito bale ang unang bridal shower ni Heart na ginanap sa Marriot Hotel na Boho-chic ang concept.

Ang panlimang bridal shower naman kay Marian ay ginanap sa Crimson Hotel na in-organize ni Celia Rodriguez.

Isa sa mga surprise kay Marian ay ang mga classmate niya sa La Salle Dasma at mga pinsan ni Dingdong Dantes na close na rin sa kanya.

Ang susunod daw na magbibigay ng bridal shower kay Heart ay ang mga close friends nitong sina Lovi Poe, Soleen Heussaff, at Alessandra de Rossi.

Mabuti at okay na raw ang pakiramdam ni Heart kaya pinayagan na itong lumabas ng hospital para makadalo sa naturang bridal shower.

BOOM: Nabahiran na naman ng intriga itong nakaraang Star Awards for TV ng PMPC dahil sa pagkapanalo ng drama series at ng main cast ng Ikaw Lamang.

Ang Ikaw Lamang ang napiling Best Primetime Show at wagi ang lead actors na sina Coco Martin at Kim Chiu, pati sa supporting roles na sina John Estrada at KC Concepcion.

Maaga pa lang ay kalat na kalat nang wagi raw sina Kim at Coco. Pero ang malakas daw talagang magwagi sana ay sina Bea Alonzo sa Sana Bukas Pa ang Kahapon, at Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real.

May kumalat na kuwentong ‘package’ raw ang pagbenta sa Ikaw Lamang kaya biglang nabago ang mga winner.

Hindi na bago ang ganitong isyu tuwing namamahagi ng award ang PMPC. Malamang nakasanayan na rin nila, at hindi na nila kailangang magpaliwanag dahil iyun na talaga ang impression sa mga taga-PMPC na nagbebenta ng awards.

Kaya pa ba nilang mapatunayang walang katotohanan ang naturang intriga at mali ang ibinibintang sa kanila?

vuukle comment

ALA EH

ANG IKAW LAMANG

ATE AIDA

ATE AIDA FANDIALAN

BATANGAS CITY

BEA ALONZO

BEST PRIMETIME SHOW

DINGDONG DANTES

IKAW LAMANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with