^

PSN Showbiz

Isasama kaya ang bagets na dyowa? AiAi magma-migrate na sa Amerika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aprubado raw ng mga magulang ng kasintahan ni AiAi delas Alas na si Gerald Sibayan ang kanilang May-December love affair. Tatlong dekada ang agwat ng edad nina AiAi at Gerald kaya marami ang napapaisip tungkol sa relasyon ng dalawa. “Okay naman sila. Basta sinasabi nila parati kay Gerald na ‘Malaki ka na, alam mo na ‘yung tama at mali,” bungad ni AiAi.

Aprubado rin ng mga anak ng aktres ang pag-iibigan ng dalawa. Ayon kay AiAi ay dumating na sa kanyang buhay ang matagal na niyang ipinagdarasal sa Panginoon. “Pinag-pray ko ito. Pero nakipag-date din ako before sa kanya. Nag-pray ako kay Lord na ‘Sana bigyan N’yo naman po ako ng ganito, ganito, ganito.’ Nakalimutan ko ‘yung edad pero swak sa lahat. Nakalimutan na sana medyo ka-edad pero okay lang din,” pagbabahagi ng Comedy Queen.

Malaking-malaki raw ang kaibahan ng buhay pag-ibig ngayon ni AiAi kumpara sa kanyang mga naging relasyon noon. “Napaka-thankful ko kay Lord na binigyan niya ako ng chance na maging maganda pa rin at this age. Kahit ‘yung hindi magandang-maganda, ‘yung fresh lang. ‘Yung inner peace ko, talagang thank you Lord sa lahat,” giit ng aktres.

Samantala, mukhang lilisanin na raw ni AiAi ang Pilipinas upang manirahan na sa Amerika kasama ng mga anak. Kamakailan ay nakakuha na ng immigrant visa ang aktres para rito. “Oo, magma-migrate ako pero ‘yung mga dates aayusin ko pa rin. Kasi marami nga akong gagawin next year kasi 25 years na ako in the business. ‘Yung dalawa kong anak doon po nakatira. So kailangan ko silang dalawin every time,” pagtatapat ni AiAi.

Xian nahihirapang i-date si kim,iniisip ang maraming ililibre

Hindi pa rin opisyal na magkarelasyon sina Kim Chiu at Xian Lim. May mga pagkakataon na nahihirapan daw ang aktor na imbitahan si Kim para sa isang date. “I really like Kim. Alam naman ni Kim na I really like her. Ang hirap kasi, si Kim, ang hirap siyang imbitahin. Kunyari gusto kong manood ng pelikula, maraming kasama. So maraming ililibre, so nahihirapan ako,” nakangiting pahayag ni Xian.

Sa Miyerkules ay palabas na sa mga sinehan ang bagong pelikula ng dalawa na Past Tense. Maraming proyekto na ang pinagtambalan nina Xian at Kim kaya naman sobrang kumportable na nila sa isa’t isa. “Natatanggap ko na ‘yung constructive criticisms sa akin. Parang it takes two of us to make a scene work, and trust din siyempre na hindi naman namin papabayaan ang isa’t isa,” paliwanag ni Xian.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

COMEDY QUEEN

KIM

KIM CHIU

NAKALIMUTAN

PAST TENSE

SA MIYERKULES

XIAN

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with