^

PSN Showbiz

Pinuntahan pa sa locker room at nagpa-picture Sylvester Stallone at Arnold Schwarzenegger sinuportahan si Pacman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sina Sylvester Stallone at Arnold Schwar­zenegger lang naman ang mga Hollywood star na nanood kahapon ng boxing fight nina Manny Pacquiao at Chris Algieri sa Venetian, Macau.

Pinuntahan nina Stallone at Arnold si Papa Manny sa locker room nito para magpakuha ng litrato. Siyempre, dinalaw rin nila si Algieri na kapwa nila U.S. citizen.

May balita na sinubukan din ni Stallone na puntahan si Papa Manny sa hotel room nito pero nagbago ang kanyang isip nang malaman niya na may nagaganap na Bible study.

Kawawang-kawawa, Algieri nakuha ang simpatiya ng mga Pinoy

Win si Papa Manny sa laban nila ni Algieri na maraming beses na natumba sa boxing ring pero nagpakitang-gilas dahil pinilit niya na tapusin ang 12 rounds.

Awang-awa na nga kay Algieri ang mga Pinoy na bumilib sa tatag na ipinakita niya.

Hindi madali ang mapabagsak ng maraming beses with matching tumbling kaya nakuha ni Algieri ang simpatiya ng mga tao.

Thankful naman ang mga beki at girls dahil hindi masyadong naapektuhan ang mukha ni Algieri. Ang feeling nila, pinagbigyan ni Papa Manny ang kanilang request na huwag puruhan ng suntok ang mukha ng American boxer.

Louise siguradong inggit na inggit kay Enzo

Nakunan ng picture ni Enzo Pineda sina Stallone at Arnold dahil nasa likod ng dalawa ang puwesto niya.

Kinaiinggitan si Enzo dahil nakita niya nang personal ang mga veteran Hollywood superstar.

Hindi pumapalya si Enzo sa panonood ng mga boxing fight ni Papa Manny dahil ang tatay niya ang business manager ng Pambansang Kamao.

Kung hindi naghiwalay sina Enzo at Louise Delos Reyes, baka kasama ni Enzo sa Macau ang ex-girlfriend at na-sight din nito in person sina Rambo at Terminator.

Mayweather lalong naduwag kay Pacman

Late na nang magsimula ang laban nina Pacquiao at Algieri sa Cotai Arena.

Eksaktong 1:20 p.m. nang magsimula ang kanilang bakbakan na tumagal ng halos isang oras.

Sa umpisa pa lang, kitang-kita na si Papa Manny ang mananalo dahil masiglang-masigla at maliksi siya.

Nanood ang mga anak nila ni Jinkee na nakaupo sa ringside kaya saksi ang mga bagets sa husay sa boxing ng kanilang ama.

Ang tagumpay ni Papa Manny sa laban nila ni Algieri ang nagpatindi sa public clamor na harapin na siya ni Floyd Mayweather, Jr.

Kapag nag-inarte pa rin si Mayweather, Jr., mapapatunayan na totoo talaga ang sinabi ng kanyang anak na duwag siya

Pacman bawi ang pinamasahe sa mga kababayang bitbit sa Macau

Hindi nasayang ang mga ginastos ni Papa Manny sa pagdadala niya sa Macau sa kanyang mga kababayan sa GenSan dahil nanalo siya.

Nabawi ni Papa Manny ang kanyang expenses na siguradong milyones dahil sa rami ng mga kasama niya. Nakatipid pa rin si Papa Manny dahil mas malaki ang kanyang gastos kung ginanap sa Amerika ang laban nila ni Algieri. Hindi rin niya madadala ang kanyang mga kababayan dahil hindi tiyak na mabibigyan ng U.S. Visa ang lahat.

Siyempre, isang hero’s welcome ang naghihintay sa pagbabalik ni Papa Manny sa Pilipinas.

Siguradong uuwi agad siya at ang kanyang pamilya mula sa Macau dahil malapit lang ito. Wala rin dahilan para magtagal sila sa Macau.

vuukle comment

ALGIERI

DAHIL

ENZO

MACAU

MANNY

NIYA

PAPA

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with