^

PSN Showbiz

Bakbakang Pacquiao vs Algieri babantayan ni Jessica Soho

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakatutok ngayon ang buong mundo sa magaganap na salpukan nina Man­ny Pacquiao at Chris Algieri!  Lumipadsi Ms. Jessica Soho sa Macau para masaksihan at ihatid ang highlights ng bakbakan sa loob at labas ng ring ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, 7:30PM pagkatapos ng Ismol Family sa GMA7

Tampok din sa episode na ito ang pinagdiriwang na Macau Food Festival kung saan matutunghayan ang mahigit isandaang booths na naghahain ng mga pagkaing Asian, European, Mainland Chinese at iba pa nilang local delicacies.

Viral ngayon online ang mga video ng magkapatid na sina Elaine at Elaijane Duran ng Butuan City, habang kumakanta ng Chandelier at All About that Bass!.

Marami naman ang aliw na aliw sa gimik ng isang restaurant sa mga cus­to­mers nila na may kaarawan isang pasabog na Happy Birthday dance number.

Samantala, sa Negros Occidental naman ay may isang babae raw na naka­­pag­papagaling ng mga sakit sa pamamagitan diumano ng langis na luma­labas sa kanyang kamay. Bukod sa tubig mula sa balon, ang tinig umano ng Birheng Maria ang naging susi upang siya’y makapanggagamot. Alamin ang katotoha­nan sa ‘milagrong’ ito.

Kilalanin din ang mga magkakapatid na Pilipina na sumali sa isang singing com­petition sa Korea. Ang video nga kung saan kumanta sila ng Let It Go naging viral!

vuukle comment

ALL ABOUT

BIRHENG MARIA

BUTUAN CITY

CHRIS ALGIERI

ELAIJANE DURAN

HAPPY BIRTHDAY

ISMOL FAMILY

JESSICA SOHO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with