^

PSN Showbiz

Julia mukhang mahihirapang linisin ang image

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang mahihirapan kahit na si Iñigo Pas­cual na mapalambot ang imahe ni Julia Barretto na mas lalo pang sumama sa pagtanggi sa relasyon nila ni Julian Estrada.

Si Iñigo ang bagong kapareha ng batang Barretto sa isang pelikula ng Viva Films kasama sina James Reid at Nadine Lustre.

Mas tanggap ng tao si Sofia Andres bilang kapareha ng anak ni Piolo kaya baka mahirapan si Julia na magkaroon sila ng chemistry ni Iñigo. Plus ‘yun ngang mga isyu-isyu kay Julia.

Piolo walang dapat ikatakot kay Sarah

Hindi ko masisi si Papa P (Piolo Pascual) na ma-pressure sa pagtatambal nila ng Pop Princess na si Sarah Geronimo sa isang Valentine movie. Bagaman at pareho naman silang box-office stars, baka manibago ang manonood dahil nasanay na silang makita si Sarah na katambal si John Lloyd Cruz. Pero wala namang dapat ipag-alala si Piolo dahil magaling siyang artista. Nagagawa niyang ma­tanggap siya ng manonood kahit iba-iba ang kan­­yang kapareha. Patok siya with Toni Gonzaga sa Starting Over Again at tinanggap din siya kasama si Iza Calzado sa Hawak Kamay. Kay Sarah pa kaya siya matatakot?

Barbie makapaghihiganti na kay Ryan!

Mabuti naman at bago pa maubos ang luha ni Barbie Forteza ay nagkita na sila ng kanyang ina na ginagampanan ni Jean Garcia sa The Half Sisters. Ngayong makapagsisimula na silang mag-ina ng kanilang paghihiganti kay Alfred (Ryan Eigenmann), mas nakararamdam ng excitement ang maraming suki ng teleserye sa hapon na matagal ding nakiiyak sa character ni Barbie.

vuukle comment

BARBIE

BARBIE FORTEZA

HALF SISTERS

HAWAK KAMAY

IZA CALZADO

JAMES REID

JEAN GARCIA

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with