^

PSN Showbiz

Miss Earth candidates nambulabog

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kamuntik magkandabuhol-buhol ang traffic sa panulukan ng 32nd St. at 5th ave. ng Bonifacio Global City, Taguig City nang magsibabaan ang naggagandahang kandidata ng Miss Earth na nagmula sa iba’t ibang bansa for their late dinner sa kilalang Toki Japanese restaurant. Tuwang-tuwa naman ang mga cus­tomers ng Toki (that evening) dahil hindi lamang nila nakita up close ang nag­gagandahang dilag kundi nakuha pa nilang magpakuha ng souvenir shots sa ilang kandidata na napaka-friendly and accommodating.

Gaganapin sa U.P. Theater sa darating na Nov. 29 (Sabado) ika-6:00 ng gabi ang paglipat ng korona ni 2013 Miss Earth Alyz Henrich Ocando ng Venezuela sa mananalong Miss Earth ngayong taon.

Si Miss Brazil ang isa sa mga kandidatong pina­kamatunog na makakakuha ng korona sa taong ito.

Piolo pinabayaan na ang anak

Hindi na mapipigilan ni Piolo Pascual ang showbiz career ng kanyang kaisa-isang teenage son na si Iñigo Pascual dahil pagkatapos ng kanyang debut movie na Relaks, It’s Just Pag-ibig, heto’t may ka­­sunod na pro­ject kaagad ang kanyang anak, ang Para sa Hopeless Romantic ng Viva Films na pi­nag­sasamahan nila nina Julia Barretto at ang love­team nina Nadine Lustre at James Reid.

Inamin ni Piolo na hindi niya puwedeng pigilan ang interest nito sa showbiz. Ganunpaman, ayaw ni Piolo na i-pamper ang anak dahil gusto niyang maranasan nito ang tunay na kalakaran sa showbiz na alam niyang hindi madali.

Mga taga-Walang Tulugan, napapansin na

Tiyak na natutuwa ang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno dahil unti-unting nabibigyan ng break sa iba’t ibang programa ng GMA ang ilan sa marami niyang mga build-up talents sa kanyang long-running midnight show na Walang Tulugan with the Master Showman kung saan nagsimula ang popular young actor na si Jake Vargas.

Unti-unti na ring gumagawa ng pangalan ang singer na si Michael Pangi­li­nan ganoon din naman ang promising young singer-actor na si Ken Chan. Bukod sa acting, napansin din ng PolyEast Records ang talent ni Ken sa pagkanta kaya binigyan ito ng kanyang self-titled debut album.

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

HOPELESS ROMANTIC

JAKE VARGAS

JAMES REID

MASTER SHOWMAN

MISS EARTH

PIOLO

SHY

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with