^

PSN Showbiz

Dahil kina Enrique at Liza, Baguio balak gawing parang Korea

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Balak ng pamunuan ng Baguio na i-preserve ang mga lugar na ginagamit na location ng teleserye ng ABS-CBN na Forevermore para maging isang tourist attraction. Sa kasalukuyan ay unti-unti nang du­marami ang mga turista na uma­akyat ng Baguio at nagtatanong kung paano sila ma­kakapunta ng La Presa, ang magandang lugar na napapanood nila sa telebisyon.

Nagsisilbing pinaka-popular na puntahan hindi la­mang ng mga lokal na bakasyunista kundi maging ng mga dayuhang turista ang La Presa, ang mala­wak na taniman ng strawberries na inaalagaan ng pa­milya ng mag-amang Boy at Agnes (Joey Marquez at Liza Soberano).

Maganda at makatutulong talaga sa turismo ng nabanggit na lugar kung mapapangatawanan ng pamahalaan ng Baguio na gawin itong tourist attrac­tion kahit tapos na ang serye. Sa South Korea, nagagawa nilang i-preser­ve ang mga lugar na pinagsi­yutingan ng mga sikat na Koreanovela at nagagawang tourist attraction ang mga ito.

Miguel at Bianca hindi na maghihiwalay

Marami ang matutuwa na may follow-up assignment na pala ang magka-tandem na Miguel Tanfelix at Bianca Umali after Niño, kung saan nagsimula ang kanilang loveteam. Magkasama pa rin naman sila sa Ismol Family kaya hindi pa rin sila nawawaglit sa isipan ng mga tagasubaybay sa telebisyon. Ang follow up project nila Once Upon a Kiss ay isang romcom na tatalakay sa isang young love. With Bb. Joyce Bernal directing, inaasahan ng mga manonood na isang nakakikilig na love story ang masasaksihan nila.

Julia hindi pa nakakawala sa pagka-nega dahil kina Dennis at Julian

Magiging suporta lang sina Iñigo Pascual at Julia Barretto nina James Reid at Nadine Lustre sa pelikula ng Viva na Para sa Hopeless Romantic. Kung gusto ng mas nakababatang pareha na maabot ang kasikatan ng dalawang mas sikat sa kanilang movie, kinakailangan siguro na makuha nila nang buong-buo ang simpatiya ng manonood, lalo na si Julia na hindi pa nakaka-recover sa hindi magandang publicity na ibinigay sa kanya ng isyu sa kanila ng ama niyang si Dennis Padilla at Julian Estrada.

vuukle comment

BIANCA UMALI

DENNIS PADILLA

HOPELESS ROMANTIC

ISMOL FAMILY

LA PRESA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with