^

PSN Showbiz

Vina ayaw nang alalahanin ang mga pananakit na ginawa noon ni Robin

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Muling nagkasama sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ang dating magkasintahan na sina Robin Padilla at Vina Morales. Si Binoe ang gaganap bilang si Andres Bonifacio habang si Vina naman ay ang asawang si Gregoria De Jesus. Matatandaang maraming beses nang nagkatambal ang dalawa sa pelikula noong dekada ‘90. “Wala kaming ginawa kung hindi tawanan. Napagkukuwentuhan namin ‘yung nangyayari sa buhay ng isa’t isa. So talagang I am thankful na nangyari ito. Long overdue hindi ba? Ang daming naghihintay,” nakangiting pahayag ni Vina. “Siyempre may kaba rin sa isa’t isa kung paano ang working setup namin together. Especially na iba na ang situation. At siguro hindi lang right project, maski ipilit mo kung hindi mangyayari ay hindi mangyayari,” dagdag ng aktres.

Aminado si Vina na si Binoe ang kanyang naging kauna-unahang kasintahan at masaya ang aktres na hanggang ngayon ay nananatili ang kanilang pagkakaibigan. “Alam naman ng lahat ‘yon. Never kong itinago ‘yon. Pero hindi ko inaano sa kanya ‘yon. Even though he hurt me before, kinalimutan ko na ‘yon, that was the past. Kaya ang friendship namin ngayon ay okay kasi kung nagtanim ako ng sama ng loob, siguro hindi kami magkakaroon ng pelikula niyan,” paliwanag ni Vina.

Malaki rin ang pasasalamat ng aktres sa asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez dahil ang huli raw ang nakaisip na kunin si Vina para sa nasabing proyekto. “Thankful ako that I’m one of the choices at ako ang napili. Actually sila lahat from the staff, at nagtatanong-tanong sila kung gusto ba na magkaroon kami ng movie ulit ni Robin, na matagal na namang nire-request ng tao. I always believe na there’s always a right project and a right time. So ito nangyari na, right project and right time,” pagtatapos ni Vina.

Mapapanood na ito ngayong Kapaskuhan dahil isa ito sa mga opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nash hindi makapaniwalang mataas ang ratings ng Bagito

Namayagpag sa ratings ang pilot week ng teleseryeng Bagito na pinagbibidahan ni Nash Aguas. Nagsimula ito noong Lunes at maraming papuri daw ang naririnig ni Nash tungkol sa bagong soap opera. “Sobrang nakakatuwa po at pressured po. Kasi sobrang ang taas po ng ratings. Hindi ko in-expect na gano’n kadami ang manood kahit sobrang konti lang ng promotions. Sobrang thank you po sa lahat ng nanood,” bungad ni Nash.

Maraming mga bagay na raw ang nagbago sa binatilyo mula nang maging bida sa serye. “May bago na po akong pangalan, ‘Bagito’. Nagbago ‘yung tingin sa akin ng mga tao. Kasi parang na-hook sila do’n sa character ko. Natutuwa naman ako kasi ibig sabihin, nagawa ko ‘yung parte ko nang maganda. Kasi parang character ko, tumatak sa mga tao,” paliwanag ni Nash.

Hindi raw dapat palampasin ng mga manonood ang mga eksenang kaabang-abang sa kanilang ikalawang linggo simula bukas.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

ANG UNANG PANGULO

BAGITO

GREGORIA DE JESUS

KASI

MARIEL RODRIGUEZ

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NASH AGUAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with