^

PSN Showbiz

Imposibleng mag-propose sa dating kinakasama aktor matagal na palang hiwalay sa ina ng mga anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parang hindi naman totoo ang tsikang magpo-propose na ng kasal ang isang actor sa matagal na niyang karelasyon next year dahil ang alam ng marami, matagal nang hindi in good terms ang dalawa. Kahit nga magkasama sa isang lugar at okasyon, hindi sila nag-uusap at nagtitinginan.

Ang tsika nga, matagal na silang hindi magkasama ng bahay at may kani-kanyang bahay. Madalang din dumalaw ang aktor sa bahay ng nakarelasyon at hindi pa ito ang kanyang binibisita kundi ang mga anak.

Kaya nakakagulat ang tsikang next year, magpo-propose na ng kasal ang aktor at gusto nang maging legal ang pagsasama nila ng ina ng kanyang mga anak dahil matagal na silang walang relasyon.

Carmina feeling nakumpleto nang matutong magluto

Dahil kay Dolor Guevarra, naimbitahan kami sa Sarap ng Lutong Nanay Movement ng Knorr. Sa movement na ito, gusto ng Knorr at ng Unilever na ibalik ang home cooking, partikular ang luto ng mga nanay.

Ipinakilala si Carmina Villarroel as the New Brand Ambassador ng Knorr at Mombassadors naman sina Pia Guanio, Danica Sotto-Pingris, Delamar Arias, at Dimples Romana. Na-curious na ang invited guests sa event dahil magkasama sina Pia at Danica, dagdag na curiousity pa, na si Christine Jacob ang host ng event.

Masaya ang event dahil nagluto sina Pia, Danica, Delamar, at Dimples at na-assign kami kay Danica na ang niluto ay Sinigang sa Pakwan na masarap pala. Tumikim din kami sa niluto ni Dimples na Tinola sa Gata na masarap din at lahat nang niluto ay ginamitan ng Knorr seasoning.

Kinuwento ni Carmina na dati’y takot siyang magluto, pero na-feel niyang kulang ang pagiging asawa at ina niya dahil hindi siya nagluluto. Kaya nag-aral siya at ngayong nagluluto na, feeling niya, complete woman na siya at hindi na nakakahiya. Ang sarap daw ng feeling ‘pag nasasarapan ang asawang si Zoren Legaspi at mga anak na sina Mavy at Cassy sa mga niluluto niya.

Kasama pala si Carmina sa cast ng Bridges ng ABS-CBN at happy dahil first time, hindi mother role ang ginagampanan.

December wedding nina JC at Bianca may ‘entrance ticket’

Kakaiba ang venue sa reception ng December 10 wedding nina JC Intal at Bianca Gonzalez dahil sa court ng Smart Araneta Coliseum ito gagawin. Pati invitation sa reception, kakaiba rin dahil hindi ma­garbong card, kundi tiket sa Big Dome.

Nasilip namin sa Internet ang invitation nina JC at Bianca at tiket talaga siya ‘pag nanonood tayo ng concert at basketball game sa Smart Araneta Coliseum, ang cute lang tingnan. Tiyak na maraming fans ang mag-aabang sa Green Gate dahil dito ang entrance ng mga bisita.

Lauren Young idini-display ang halikan nila nang ipinalit kay Elmo

Natawa kami sa “Ay” reaction ni Megan Young nang makita ang pinost na picture ng kapatid na si Lauren Young sa Instagram (IG) na hinahalikan sa cheek ng BF nito. Sagot ni Lauren sa reaction ng ate niya ay “Labo mo, you love us naman.”

May BF na nga si Lauren, kaya ‘wag na siyang ikabit pa kina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Sobra na siyang naka-move on sa break-up nila ni Elmo at La Salle student din ang nobyo.

Anyway, matutuwa si Lauren dahil bilib sa hu­say niyang umarte ni direk Dominic Zapata, director niya sa Hiram na Alaala.

vuukle comment

BIANCA

CARMINA

DAHIL

DANICA

LAUREN

LAUREN YOUNG

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with