^

PSN Showbiz

Apela ni Dennis na ‘wag burahin ang apelyido ni Julia, inayunan ng korte?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: May kinalaman kaya sa second anniversary celebration ng Celebrity Bluff ang nakikita naming billboard na “Jose, give me a ring!”

Isang buwang isi-celebrate ng Celebrity Bluff ang kanilang anibersaryo at marami silang pasabog, at isa na nga rito ang nakakaaliw na tandem nina Jose Manalo at Eugene Domingo.

Mamayang gabi ay maglalaban sa kalahating milyon pisong jackpot ay ang mga gangnamm na sina Boobay, Teri Onor, at Brod Pete. Uupo sa mga bluffers sina Jose, Andrew E, at Ms. World-Philippines Valerie Wiegmann.

PAK: Wala raw karapatan si Julie Anne San Jose magbigay ng komento tungkol sa relasyon nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez dahil out daw siya sa puntong ‘yan.

“Wala po akong reaction diyan. I have nothing to do with their private life naman. Whatever makes them happy ‘di ba? Lahat po tayo may karapatang maging masaya, at masaya sila, wala po ako dun. As in out ako dun. I’m out of the picture,” deretsong sagot ng Asia’s Pop Sweetheart

Pero nagpapasalamat siya dahil nandiyan pa rin daw ang mga JuliElmo fans na patuloy na sumusuporta sa kanila.

 “Kasi ‘yung mga JuliElmo po, nandiyan lang naman sila. Nandiyan sila to support our loveteam and our career individually,” pahayag pa ni Julie Anne.

Alam daw niyang susuportahan ng JuliElmo fans ang nalalapit niyang The Hologram concert sa December 13 na gaganapin sa SM-MOA Arena.

BOOM: Nagkaroon ng hearing kahapon sa kaso ng change of name ni Julia Barretto.           

Sa pagkakaalam namin, tinanggap ng korte ang Motion to Intervene na isinumite ni Dennis Padilla. Kaya didinggin kung posibleng pigilan ng aktor ang pagpapalit ng apelyido ni Julia.

Ilang beses naming tinatawagan ang abogado ng dalawang kampo, pero ayaw nilang sumagot dahil sa mahigpit na ipinagbilin ng korte na gag order.

Kahit si Dennis ay ayaw na rin munang mag­salita sa ngayon habang dinidinig pa ang naturang kaso.

                                                                    

vuukle comment

ANDREW E

BROD PETE

CELEBRITY BLUFF

DENNIS PADILLA

ELMO MAGALONA

EUGENE DOMINGO

JANINE GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with