^

PSN Showbiz

Lovi, Carla, at Erich may problema sa poster ng SRR

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tama ang tsika sa amin, wala sa billing ang tatlong lead actresses ng Shake, Rattle & Roll XV sa poster ng movie. Hindi raw nalutas ng managers ng tatlo kung kaninong pangalan nina Lovi Poe, Carla Abellana, at Erich Gonzales ang dapat mauna sa billing.

Kaya sa presscon ng tatlo, may poster nga, pero wala ang pangalan nila. Ang laki ng blank space ng poster dahil wala ang name ng tatlong bidang babae. Mabuti pa sina directors Perci Intalan, Dondon Santos, at Jerrold Tarog, may billing, hindi lang namin napansin kung kaninong pangalan ang nauna.

Kung susundin ang pagkakasunud-sunod ng epi­sodes, mauuna ang Ahas episode nina Erich at JC de Vera, sunod ang Ulam episode nina Carla at Dennis Trillo at last ang Flight 666 episode nina Lovi at Matteo Guidicelli.

Sana lang, bago ang opening ng SRR XV sa December 25, ayos na ang maliit na problemang ito para mailagay na ang pangalan ng tatlong aktres. Para hindi na rin ma-stress sina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Carla walang balak lumipat ng network

Sinabi na ni Carla Abellana na bukod sa nakakatakot, malakas rin ang “diri” factor ng Ulam episode nila ni Dennis Trillo. Ikaw ba naman ang hainan ng pagkain na may halong butiki at ibang hayop at la­mang-loob kundi ka mandidiri.

May eksena sa teaser na nag-transform si Carla at naging butiki at si Dennis ay naging aso, dahil ito sa kakakain nila ng butiki at aso. Ikinuwento rin ni Carla kung bakit pinapakain sila ng mga hayup ng kasambahay nila, pero bawal isulat.

Kampante si Carla na susuportahan ng movie­goers ang SRR XV at panonoorin ang pelikula nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Samantala, hindi naniniwala si Carla na magagawa ni Tom Rodriguez ang mga nasulat na may mga nasira itong gamit sa taping ng Don’t Lose The Money. Hindi raw nagustuhan ni Tom ang sinabi ng ama niyang si Rey “PJ” Abellana at ang gamit sa dining room ang napagba­lingan.

Sabi ni Carla, hindi ang karakter ni Tom ang magwawala at maninira ng gamit. Naawa ito sa aktor dahil nagkasakit na nga at muntik maging hypertensive, ito pa ang natsismis.

Si Carla ang nag-suggest kay Tom na magpa-check up nang magkasakit at siya rin ang nag-refer sa cardiologist at sinamahan pa niya sa ospital. Masaya siya at okey na ang aktor ngayon, pero hindi niya ito makakasamang manood ng concert ni Katy Perry sa Australia dahil marami itong trabaho.

Nabanggit din ni Carla na mag-i-expire ang kontrata niya sa GMA Network next year at magre-renew siya ng kontrata. Wala siyang balak lumipat ng ibang network dahil masaya siyang maging Kapuso star.

 

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

DONDON SANTOS

ERICH GONZALES

JERROLD TAROG

KATY PERRY

LOSE THE MONEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with