^

PSN Showbiz

Parang manika ang tingin sa aktres JC crush na crush si Jessy

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magkasama ngayon sa teleseryeng Never Say Goodbye sina JC de Vera at Jessy Mendiola. Nagte-taping na ngayon ang dalawa at ayon kay JC ay nagagandahan siya sa aktres. “Na-appreciate ko talaga ‘yung every feature ng face niya, very pretty, parang manika talaga. So ‘pag tiningnan ako hindi ako makatingin eh. Hindi ko pa kaya, she’s very attractive,” pagbabahagi ni JC.

Dahil dito ay mayroong mga nagsasabing nagkakaroon na ng crush ang binata kay Jessy. “Gano’n ba kapag crush? Conscious pa ako pero hindi ko pa alam kung crush pero very conscious pa ako,” giit ni JC.

Walang kasintahan ngayon ang aktor pero hindi pa raw siya nakahandang pumasok sa isang relasyon. “As of now not yet ready. May ibang priorities na dumarating. Merong mga bagay na dapat munang unahin sa ngayon. Kasi ngayon lang nag-start na akong maging independent. Tumitira na ako ng sarili ko, nagbi-business na rin ako ng sarili ko. So maraming bagong ventures sa buhay ko, so hindi pa sa ngayon. Pero hindi ako nagsasara ng doors para doon. Kasi hindi mo naman alam, love ‘yun di ba? Malay mo ngayon lang, hindi mo alam,” nakangiting pahayag ng binata.

Samantala, isang malaking karangalan daw para kay JC na makasama sa nasabing soap opera sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. “Very professional po silang dalawa. Napakagandang role model nila para sa aming mga kabataan, para sa aming generation. Kasi nagpapakita sila ng magandang example. Nagtuturo sila how to portray characters and ‘yung attitude towards work,” paglalarawan ni JC.

Darren matagal nang crush sina Angel at Kathryn

Matagal na raw pinapangarap ni Darren Espanto na makasama sa isang acting project sina Angel Locsin at Kathryn Bernardo. “Noon pa po si ate Angel Locsin at si ate Kathryn Bernardo ang crush ko noong bata pa ako, hanggang ngayon eh. Kasi mahusay po silang umarte, mabait at siyempre maganda,” natatawang pahayag ni Darren.

Nauna nang pinasok ng mga kasamahan niya sa The Voice na sina Lyca Gairanod at Juan Karlos Labajo ang pag-arte sa telebisyon. Kung sakaling magtutuloy din si Darren sa acting ay mayroon siyang nais sabihin sa kanilang mga tagahanga na sumusuporta mula pa noon. “Sana hindi na mag-away kasi kaming apat po parang magkakapatid lang kami. So sana hindi na sila mag-away. Sana ipagpatuloy nila ‘yung suporta nila sa amin ni Lyca at sana hindi na tayo mag-away, kahit ‘yung fans ni Darlene (Vibares) at ni JK, sana bati-bati na lang tayong lahat. One big happy family po tayo,” pakiusap ni Darren. Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AKO

ANGEL LOCSIN

DARREN

DARREN ESPANTO

DAWN ZULUETA

JESSY MENDIOLA

KASI

KATHRYN BERNARDO

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with