^

PSN Showbiz

Ara pinaglihiman din ni Cristine ng kanyang pagbubuntis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagulat sa ginawang paglalantad ni Cristine Reyes sa publiko tungkol sa kanyang pagbubuntis noong Linggo. Ayon sa nakatatandang kapatid ng aktres na si Ara Mina ay hindi raw nila kaagad ito ipinaalam sa mga tao. “Hindi naman sa inilihim, ano lang, wala akong karapatang sabihing buntis siya. Kasi kanya naman ‘yon. Siya ang dapat mag-confirm no’n, hindi ako,” giit ni Ara. “Saka kailan lang naman niya sinabi sa akin na ‘Ate buntis ako.’ Siguro, mga ilang months lang ‘yon, two months siguro. Tapos very casual lang ‘yung pagkakasabi niya. Eh ang mommy nga, tinanong lang siya (Cristine) sa text kung totoo ‘yung mga isyu, kung buntis nga siya. Ang sagot lang niya kay mommy, ‘Yes mommy.’” kwento ng aktres.

Malapit na ring isilang ni Ara ang panganay na anak nila ni Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses kaya masayang-masaya raw ngayon sa kanilang pamilya dahil sa pagdami ng mga bata. “May baby boom nga! hahaha! Si Haydee (kapatid din ni Ara) kapapanganak lang, babae ang baby. Ako naman before Christmas tapos babae din. Si AA (Cristine) naman, sa April siya manganganak. Pero hindi ko pa alam kung girl din ba ‘yung magiging baby niya. Ang gusto kasi niya, boy ang papanganak niya eh. Ang saya-saya ;’di ba? Tatlong little angels agad. Blessings ‘yon,” pagtatapos pa niya.

Ella napaaga ang pagpapaka-daring

May pagka-daring ang role ni Ella Cruz sa teleseryeng Bagito na nagsimula na noong Lunes sa Kapamilya network. Hindi raw halos makapaniwala ang dalaga na makakayanan niyang gawin ang bed scene nila ng bidang si Nash Aguas. “Grabe! Hindi ko talaga akalain na makakagawa ak ng gano’n. Ito na talaga ‘yung isa sa pinaka-challenging role na ginawa ko sa buhay ko. Kaya ibinigay ko rin talaga ‘yung best ko,” nakangiting bungad ni Ella. “Medyo na-shock lang kasi ako dahil paulit-ulit talaga siyang ipinapakita kasi may flashback pa. I don’t know talaga how to react, hindi ako sanay,” dagdag ng aktres.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa si Ella ng daring scene sa isang proyekto pero hindi raw nagdalawang isip ang dalaga na tanggapin ito. “Eighteen din naman si Vanessa (karakter ni Ella) sa Bagito. Kaya ko siya kinuha dahil sa karakter niya mismo. Sobrang challenging niya po kasi. Binalewala ko lahat, alam nating for sure, may masasabi at masasabi sila, pero I’m just being professional po,” paliwanag ni Ella.

Ano kaya ang naramdaman ng dalaga nang gawin ang maseselang eksena? “Sobrang kabado po naming parehas. Sabi ko, ‘ah, 18 na talaga ako.’ Sinabi naman po nila sa akin na may eksena at alam ko na darating din naman sa punto na gagawa ako ng gano’ng eksena. Sabihin na natin na medyo napaaga lang, saka maganda naman po talaga ‘yung show eh. ‘Yon ‘yung inisip ko, ang ganda ng character ni Vanessa para i-let go ko ‘yung show eh,” giit ng aktres.                                                            

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ARA MINA

ELLA

LANG

NAMAN

NIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with