^

PSN Showbiz

Goma hindi pinalampas ang pagtawag na sinungaling ni Trillanes sa mga artista

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nag-react sa Instagram (IG) si Richard Gomez kay Sen. Antonio Trillanes na “magaling ka magsinu­ngaling puwede kang artista.” Sabi ni Goma, “na-pre judge mo na kaming mga artista.” Eto naman ang sasabihin ko Trillanes, “Yung nag-mutiny ka pero sumusuko lang dahil sa tear gas puwedeng maging senador! Sa Pilipinas!”

Mixed ang reactions ng follo­wers ni Richard sa pinost niyang ito at sa rami nang nag-react, siguradong makakaabot kay Sen. Trillanes. Hintayin natin ang reaction ng senador sa pinost ni Goma at ang magiging reaction ng ibang artista.

Masaya ang balitaktakan sa IG ni Goma ng mga kampi kay Senator Trillanes at kampi kay Goma sa pagdedepensa nito sa mga kapwa artista.

Nikki gil LILIPAT na rin ng GMA?

Hindi namin naitanong kay Nikki Gil nang ma-interview sa shooting ng Prinsesa episode ng MMFF entry na My Big Bossing na aalis din siya sa ABS-CBN para lumipat sa GMA-7. O baka naman lumutang lang ang tsikang ito dahil bumalik sa GMA-7 ang friend niyang si Iya Villania.

Anyway, first time ni Nikki to work with Vic Sotto at inaming intimidated siya noong una dahil big star ito. Nilabanan din niya ang pagka-starstruck at baka hindi siya makaarte ng tama. First time ring may movie siya sa MMFF, kaya doble ang tuwa at sasama siya sa MMFF parade.

Maganda ang role ni Nikki sa Prinsesa episode bilang si Reyna Bea na real mother ni Ryzza Mae Dizon.

Nakiusap pala si Nikki na ‘wag na siyang tanungin tungkol sa ex niyang si Billy Crawford.

More Than… and Second Chances sabay na eere

Sabay na ang pilot sa November 17 ng More Than Words at Second Chances, mga bagong shows ng GMA-7 dahil naurong sa nasabing petsa ang pagsisimula ng airing ng show nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Bago mag-24 Oras ang time slot ng More Than Words.

Ibang-iba naman ang atake ni Jaclyn Jose sa kanyang role sa More Than Words sa acting sa Ilustrado. Nakakatawa rin ang tanong niya sa press kung hindi pa nagsasawa sa katatanong sa kanya tungkol sa lovelife ng anak na si Andi Eigenmann

Ex ni James malayo ang hitsura kay Heart

Hindi naman pala kamukha ni Heart Evangelista si Ericka Villongco, ang ex-GF ni James Ried na introducing sa pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig ng Spring Films. Sa pictures, may ilang anggulo na kamukha siya ni Heart, pero sa personal, may sarili siyang ganda, ang layo ng hitsura nila.

Ang sabi kasi, kaya na-in love sa kanya si James dahil kamukha siya ni Heart na ultimate crush ni James. Pero sa personal, wala kaming makitang pagkakahawig nila ni Heart.

Nakita namin si Ericka sa presscon nang nabanggit na pelikula kung saan siya kasama. Maraming fans at bashers ang dalaga sa Instagram (IG) at kahit break na sila ni James, inaaway pa rin ng fans ng aktor at ni Nadine Lustre. Ito’y kahit sinabi nitong very happy siya sa success sa showbiz ni James.

Kontrabida ang role ni Ericka sa Relaks, It’s Just Pag-ibig na showing sa November 12.  Clingy, psycho GF ni Iñigo ang role niya at in-stalk niya ito. First time niya sa movie dahil nadiskubre siyang singer.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANTONIO TRILLANES

GOMA

JUST PAG

MORE THAN WORDS

NIKKI

SECOND CHANCES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with